"Uwi na 'ko, Ethan."
Were the last words escaped from my mouth as soon as he arrived at Keith's condo. Nandito na siya kaya pwede na 'kong umalis. Hindi ko na rin kasi kakayanin pa kung magtatagal pa 'ko rito. Baka mahalata lang din niya na umiyak ako at magtanong-tanong pa ng kung ano-ano sa'kin.
"Sure. Magbook lang ako ng kotse para sa'yo," tumango lang ako sa sinabi niya. Wala na 'kong lakas pa para magsalita at isa pa ayun naman talaga ang plano namin.
May kinausap lang siya saglit sa phone niya bago ito binaba. "Okay na."
"Salamat," tanging sagot ko at sabay na kaming lumakad palabas. Hindi na 'ko lumingon pa sa may kwarto ni Keith. Hindi na rin ako pumasok pa ruon para i-check siya. Baka manghina lang ako.
I must leave here without looking at him. It'll be easier for me to do it.
Bumaba kami ng elevator saka lumabas ng building. Nasa labas na rin ang ang kotse. Kinausap lang muna ni Ethan ang driver bago nag-abot ng bayad. "Text ka pag-uwi mo, ah. Pagagalitan ako ni Aira kapag hindi ko na sigurado ang safety mo."
Hindi lang naman si Aira ang magagalit sa'yo, eh. Pati na rin si Keith. Natawa na lang ako sa na-isip ko.
"Sure. Salamat ulit," sumakay na 'ko sa sasakyan.
"Ingat." Umalis na rin ang kotse. Huminga ako ng malalim sabay na humawak sa'king ulo. Another painful night for me.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, naligo, nagbihis, kumain at pumasok na sa school. Nahihirapan akong makinig sa professor namin dahil lumilipad ang utak ko sa kung saan. I don't have any slightest idea of what he was discussing, but my blockmates are listening to it. Ewan ko ba kung bakit walang pumapasok sa isipan ko. I'm preoccupied.
Masyadong na naman yatang napagod kagabi.
Saka na lang ako bumalik sa tamang huwisyo ko ng bigla akong binatukan ni Yna. Kahit na masakit ay hindi ako nagreklamo dahil alam kong kailangan ko 'yun.
"Buhay ka pa ba?" Yumuko siya para tignan ako.
"Ayaw mo ba?" Balik kong tanong sabay na bahagyang natawa.
"Medyo," she nodded and I just shook my head. "Tara na sa cafeteria, gutom na 'ko."
Sumama na lang ako sa kaniya at bumaba ng building. Katulad ng dati ay hindi masyadong marami ang tao rito kaya medyo maluwag. Um-order ako ng mushroom carbonara at umupo na kami sa isang table.
"Bakit ba lutang ka?" Pag-open ni Yna ng topic.
I sighed. "Pagod lang," kumain na 'ko.
"Sayang. Hindi mo narinig 'yong kwento kanina ng professor natin. Ang ganda pa naman at ang inspiring," she giggled while chewing her food.
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomanceWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...