"Ano't nakatulala ka r'yan?"
Walang ideya akong napatingin sa kaklase kong si Yna. Napansin ko rin na kami na lang din ang tao rito sa classroom.
"Uwian na ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Uwing-uwi ka na? Gaga! Lunch break pa lang," inambahan niya 'ko ng sampal. Talaga ba? Lutang ako today, ah.
"Gutom lang 'yan, girl. Tara na nga!" Tumayo ako at parang tamad na tamad maglakad palabas ng room.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makamove on sa kagagahan ko kahapon. Ang lawak kasi ng imahinasyon ko at kung ano-ano ang pinag-iisip ko tungkol kay Keith.
Inisip kong may gusto siya sa'kin tapos may nililigawan pala siyang ibang babae. Hiyang-hiya ako sa loob ko.
Ayan ang napapala ng mga pilingerang katulad ko.
Pero nakapag-usap pa rin naman kami ni Keith ng maayos kahapon. Pumayag ako at bibigyan niya na lang daw ako ng update regarding sa gusto niyang painting.
Pumunta kami ni Yna sa cafeteria at as usual napakaluwag dito. Sobrang daming bakanteng lamesa. Karamihan kasi ng mga estudyante rito ay mas pinipiling kumain sa labas. Pero ako, kaming dalawa. Okay na okay rito.
Sabay na kaming nag-order ng pagkain bago umupo. "Kumusta ang bentahan ng painting natin d'yan?" Pag-oopen ni Yna ng topic. Parang pareho sila ng tanong ni Leah sa'kin kahapon, ah.
"Matumal pa sa ngayon," sabay kain ko.
"Kung gano'n pwede kang sumama later. Hindi ka busy, eh." She sounds excited.
"Saan?" Saan na naman niya balak gumala?
"Sa bar. Birthday daw ng isang blockmate natin ngayon tapos magpapainom daw siya."
"Huh?" Kumunot ang nuo ko. "Bakit wala akong alam d'yan?"
"Lutang ka kasi kanina," humalakhak siya. Kasalanan ko naman pala.
"Sige, sama ako. Wala rin naman tayong pasok bukas, eh."
"That's exactly the point. Pwede tayong magwalwalan ngayong gabi," she giggled. Excited na excited, ah? Birthday mo ba?
Sasama talaga ako. Gusto ko rin kasing uminom, eh. Hindi naman ako busy. Wala pa rin namang update sa'kin si Keith kaya iinom na lang din muna ako.
Nang matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa classroom hanggang sa matapos na rin ang buong klase. Excited na excited namang umuwi ang lahat para raw makapagprepare ng maaga para sa birthday party at inuman session mamayang gabi. 8:00 ng gabi ang usapan.
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomantizmWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...