"This is it pancit!"Excited na sabi ni Leah nang makapasok kami sa loob ng Xavier University. Ngayon ang araw ng Art Gallery at punong-puno ng mga tao ang school namin ngayon. Grabe! Bukod kasi sa Art Gallery marami pang iba't-ibang booths ang itinayo ng school. Meron ding wedding, horror, at jail booth. Nagkalat din ang iba't-ibang stores. Para bang school fair ang dating.
I love him so much, despite that he is a constant reminder of how much I couldn't have him. This sucks, and it hurts.
It's 10:00 in the morning. Maganda ang sikat ng araw at malamig din ang simoy ng hangin. Matapos ang madugong final examination namin ay sa wakas ay tapos na rin ang first semester. Bakasyon na rin. And without being said, we all deserved this.
14 na araw na rin ang lumipas ng huli kaming magkita ni Keith. Hindi rin kami nagkakasalubong dito sa school na para bang malaki ang mundo. We really stopped seeing and communicating with each other for a meanwhile. According to him he'll be back for me once he settled things with his girlfriend, however there's no Keith appearing right in front of me. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakabati ni Sandra kaya hindi pa siya nagpupunta sa'kin na ayos lang din para sa'kin.
Dahil tatapusin ko na rin naman na ang lahat ngayon.
Sa dami ng nangyari marami akong bagay na na-realize. Na kaya ko palang mabuhay kahit na wala si Keith sa tabi ko. Hindi bumagsak ang langit at hindi rin gumanaw ang mundo. Basta tuloy lang. Yes, he played a big role in my heart, but not on my world. Na-realize ko ang lahat ng 'to sa tulong ng maraming tao at na-realize kong tapusin na 'tong kagagahan ko dahil sa naging kasalanan ko.
Oo, siya ang humalik sa'kin at hindi ako. Technically, wala akong kasalanan. He was drunk and he caught me off guard, however I feel so guilty and that's enough for me. One sin is enough for me. I'm guilty enough to put this farce on end.
"Ronnalynne, bilisan mong maglakad," sigaw sa'kin ni Leah sa hindi kalayuan. Para siyang bata na sabik na sabik na maglaro. Akala mo nasa perya kami, eh.
Tumawa akong bahagya. "Sandali lang naman." Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at dalawa kaming nag-ikot-ikot sa buong school.
Nag-try kami ng iba't-ibang booths habang kumakain, panay naman ang pagkuha niya ng litrato. Bigla kong naging favorite 'yong isaw. Masarap naman pala siya, eh. Nakaraming stick nga ako, eh. Nag-ikot-ikot pa kaming dalawa hanggang sa nagkahiwalay muna kami dahil sa pagtawag sa'min ng aming mga blockmate.
"Ronnalynne, anong oras daw ba magbubukas 'yong Art Gallery?" Tanong sa'kin ni Yna habang nakapila kami sa isang music show.
"Mga 4:00 pa 'yun ng hapon magbubukas." Ayun kasi ang sabi sa'kin ng Principal, eh.
"Ang tagal naman," tamad niyang sabi. "Gusto ko ng makita 'yong painting mo."
"Matuto ka raw maghintay," tinawanan ko lang siya sabay na pumasok kami sa loob para manuod ng live music show. Mamaya pa kasi ang opening ng Art Gallery kaya nag-iikot din muna ako.
Excited din naman ako para mamaya katulad ng iba. Gusto kong makita ang gawa ko pati na rin ang painting ng iba. Ipinagmamalaki ko 'yong talento namin.
Nanunuod kami ng mga ka-blockmate ko ng music show at nakikikanta na rin. Nang matapos ay muli kaming nag-libot-libot. Parang ang lawak-lawak sa field ng school namin.
"Pumayag ka na, Yna." Tulak namin sa kaniya ng may biglang nanghatak sa kaniya papuntang wedding booth. May gusto raw magpakasal sa kaniya.
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomanceWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...