"That's all for my report today, Ma'am. Thank you for listening."
Pagpuputol ko sa'king reporting sabay nagbow na rin. 30 minutes na 'kong nakatayo at sa wakas ay natapos na rin ako. Ang sakit sa paa, ah.
"Wonderful presentation," puri sa'kin ng professor bago humarap sa'king mga blockmate. "Any question to the reporter?"
Pwede bang wala ng question? Gusto ko ng umupo at umuwi na rin.
"None, Ma'am." Sagot nila at nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman at may pakisama sila.
"Okay." Muling humarap sa'kin ang professor. "Thank you, Ms. Servantes. Class dismiss. See you all on next week."
"Bye, Ma'am." Paalam naming lahat at pinatay ko na ang aking laptop at projector bago pumunta sa'king silya. Inilagay ko sa'king bag ang laptop sabay kinuha ang aking phone. Nakita kong may text sa'kin si Keith 2 minutes ago.
Keith: Hi, Ronnalynne. Nandito ako sa labas ng department niyo, hinihintay ka.
"Mauna na 'ko, Yna." Paalam ko sa'king kaibigan bago mabilis na lumabas ng room habang sinasarado ang bag ko. Ayoko ko kasing pinaghihintay si Keith, eh.
Bakit kaya niya ako hinihintay sa labas? Ano na naman ba ang meron?
Mabilis akong bumaba at paglabas ko ng building ay nakita ko si Keith na nakatayo habang nakasukbit sa isa niyang balikat ang bag niya.
Lumapit agad ako sa kaniya. "Keith, anong ginagawa mo rito?"
Ngumiti siya ng maliit sa'kin. "Lakad muna tayo," tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad.
I'm getting curious to what he is about to say.
Ano ba kasi 'yun?
"Holiday bukas 'di ba at Linggo naman sa susunod kaya wala tayong pasok," panimula niya.
"Oo." Sagot ko. Hinintay niya ba 'ko para lang tanungin ako nito?
"I just want to know if you have any plans this coming weekends?" Tanong niya ngayon at duon umangat ang kilay ko.
"Wala." Umiling ako. "Wala naman. Bakit?" I'm getting more and more curious.
"Then do you want to come with us to a beach resort in Batangas for 2 days? My friends, Ethan and Sandra will come as well. Wala kang dapat i-ambag o bayaran. Sama ka lang." Napatigil kami sa paglalakad matapos niyang sabihin 'yon. What's with the sudden invitation?
"Come again," utos ko. Parang nahihirapan kasi akong iproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.
He chuckled first before talking again. "Vacation. Beach resort in Batangas for 2 days. Sama ka?"
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomanceWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...