DJ'S POV
Nandito kami ngayon sa simbahan at nagmiMisa de Gallo. Kasama ko ang pamilya ni Kath kasama ang ibang mga kasambahay nila.
Napakasarap palang magdiwang ng pasko lalo na kung yung taong mahal mo at ang pamilya niya ay kasama mo. Yung tipong mararamdaman mo talagang parang anak ka na rin nila. Na parang parte ka na rin ng pamilya nila. Lalo na sa mga katulad ko na iniwan na ng ina at hindi na masyadong iniintindi ng ama. Sobrang nakakatuwa nga ang pamilya ni Kath eh. Kasi talagang pinaparamdam nila saken na, dito, may pamilya ka, di ka nag-iisa. Kahit nga yung mga kasambahay nila, mga katulong, driver at pat hardinero nila, sobrang babait nila.
Pagkatapos ng mahabang misa ay may nagperform na mga bata sa simbahan, mga galing pa ng ibang bayan. Tagabahay ampunan daw ang mga yan.
"Sana ngayoong pasko, may alala mo pa rin ako.." Kanta ng mga bata habang may mga madreng nangongolekta ng donasyon para siguro sa mga bata.
"May dala kang pera, DJ?" Tanong ni Kath.
Napahawak ako sa bulsa ko.
"Meron ako ditong 200." Sabi ko.
Kumuha siya ng 300 sa wallet niya at pinagsama na namin yung pera namin at binigay dun sa mga madre.
"Salamat po. Nawa'y kayo'y pagpalain ng Diyos." Sabi nung madre.
Nginitian lang namin ni Kath yung madre.
Nanatili kaming nakaupo sa simbahan at pinapanuod yung mga bata.
Napatingin ako kay Kath, naluluha siya. Marahil ay naantig din ang puso niya dahil ng mga batang ito.
"Panyo oh.." Sabay abot ko ng panyo ko.
Tinanggap naman niya ito at ngumiti sa akin.
"Salamat." Ngumiti lang din ako at pinanuod na ulit yung mga bata.
Pagkatapos na pagkatapos mangaroling ng mga bata ay umuwi na kami.
Dun na ako pinakain nila mommy Min ng Noche Buena sa bahay nila.
At saktong pagsapit ng 12:00 ng gabi.
"MERRY CHRISTMAS!" Sigaw nila ng sabay sabay.
Damang-dama ang diwa ng Pasko sa kanilang tahanan. Sobrang nakakatuwa.
"Ano pang hinihintay nyo? Tara ng mag-giftgiving!" Sambit ng papa ni Kath.
At kanya-kanyang kuha na sila ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree.
BINABASA MO ANG
It All Started in a Tweet (ON-HOLD)
Teen FictionON-HOLD. Sorry my dearest readers. :/