DJ'S POV
Naka-arrive na kami ni Kath sa venue ng Christmas Ball. Maganda yung venue. The usual ball na makikita mo sa mga mayayamang tao. Tapos sa labas, sobrang ganda nung garden. Andun yung mga tables ng mga gustong may privacy sa date nila.
Nasa may entrance pa lang kami nang sinalubong nila Julia si Kath.
"Kath! Akala namin hindi ka makakapunta. Sabi ni tita Min masakit daw ulo mo eh." Sabi ni Julia. Teka, masakit ulo ni Kath?
Iniharap ko si Kath saken at hinawakan ang kanyang leeg.
"Di ka naman mainit eh. Masakit pa ba ulo mo? Bat di mo agad sinabi saken? Tsktsk. Kaya mo ba?" Pag-aalala ko.
Hinampas niya ako ng mahina sa braso.
"Ano ka ba? Okay lang ako. In-excuse ko lang yun kay mama. Ayaw ko pa kaseng umalis eh." Sagot niya. Gumaan naman yung loob ko nung sinabi niya yun.
"Suuuus. Sabihin mo, iniintay mo si DJ." Sabat ni Neil.
Inirapan lang ni Kath si Neil at pumasok na kami.
Si Julia, dumiretso sa buffet table at kumain. Si EJ at Kiray naman, pumunta sa gitna ng ball para magsayaw. Si Neil?
"Oh? Kuya Neil? Wala ka bang particular na pupuntahan at parang may hinahanap ka." Sabi ni Kath.
"Hinahanap ko kase si ano eh." Nagkamot si Neil ng ulo at saka tumuloy. "Si Yen."
"YEN?!" Sabay naming sigaw ni Kath. Hindi naman masyadong malakas kaya walang masyadong nagtinginan.
"Sshh. Katext ko siya kanina eh. Sabi niya okay lang naman daw kung siya kadate ko." Sabi ni Neil.
"edi ba may boyfriend yun?" Sabi ni Kath.
"Break daw sila." Mabilis na sabi ni Neil.
"Alam mo, hintayin mo na lang sa entrance. Baka mamaya andun na yun." Sabi ko at umalis din siya.
Yess. Etoooo.Kami lang dalawa ni Kath.
"DJ, samahan muna natin si Julia. Pwede?" Tanong ni Kath.
"Huh? Eh Kath..ano.." Tiningnan niya ako ng diretso. "Okay. Okay. Tara kay Julia." Sabi ko.
At pumunta na kami kay Julia. Kumuha na rin kami ni Kath ng pagkain.
Kasama namin sa table si Julia.
"Kath, say aaahh." Sabi ko.

BINABASA MO ANG
It All Started in a Tweet (ON-HOLD)
Teen FictionON-HOLD. Sorry my dearest readers. :/