KATH'S POV
GAASHH! Hell week approaching!
This week na ang examinations namin, ang dami ko pang ipapasang project, isama mo pa yung mga namissed kong quizzes and long tests na kailangan kong makuhanan ng special quizzes.
Nasa library ako ngayon, nagreresearch para sa project ko sa Social Studies.
Mamaya-maya ay bumukas ang library ng pagkalakas. Narinig ko lang at di na tiningnan pa sa sobrang busy ko sa ginagawa ko.
Biglang tumawa ng saglit yung librarian at sinabing..
"Himala ata at naligaw ka dito sa library."
Na siyang dahilan ng pagkalingon ko.
Pagtingin ko..
"Hi." Sabi ni DJ habang nakaway saken. Napansin kong biglang sumimangot yung librarian namin.
"Ano ba naman yan iho. Akala ko naman, sinisipag ka na rin mag-aral. Hinahanap mo lang pala yung girlfriend mo." Sabi nung librarian, si Ms. Ledesma. Matandang dalaga pero sobrang bait. Di mo talaga aakalaing matandang dalaga.
"Hehe. Nagtampo pa nga si Ms. Ledesma. Makapagbasa na nga." Sabi ni DJ ng nakangiti.
Buti pa tong boyfriend kong to, kahit hell week nakangiti pa din. Eh ako? Jusko. Kung titingnan ko siguro yung sarili ko sa salamin, magmumukha na akong mangkukulam sa sobrang haggard.
"Ano yan?" Tanong ni DJ.
"Project sa SS." Sagot ko habang nagsusulat.
"Ahh. Kelan ka magrereview para sa periodical test?" Tanong ni DJ.
"Uhm. Sa weekends na lang siguro. Ang dami ko pa kasi talagang kelangan isubmit eh." Sagot ko.
"Gusto mo tulungan na kita?" Pagpresenta niya.
"At sa paanong paraan ka makakatulong?" Tanong ko na nakakaloko.
"Eto naman. Makakatulong ako sa mga simpleng paraan. Tulad niyan. Diba dapat computerized yan? Ako na lang magtatype para sayo. Check mo na lang. Tapos habang tinatype ko, manggawa ka ng iba mo pang project." Sabi niya ng nakangiti.
"Osiya. Oo na. Eh pano yan? Yung iba kong project gagawin ko sa bahay?" Tanong ko.
"Problema ba yun. Edi pupunta ako sa inyo. Basta ba sagot ni Tita Min ang hapunan." Sagot niya with matching taas baba ng dalawang kilay.
Naku. Eh nasa company ata si mama ngayon eh. Tinutulungan si papa. Sana hindi sila magOT. Para may ipapahapunan ako sa mokong na to.
BINABASA MO ANG
It All Started in a Tweet (ON-HOLD)
Dla nastolatkówON-HOLD. Sorry my dearest readers. :/