Chapter Thirteen

847 16 6
                                    

Ilang beses napangiwi si Bree nang maalala ang ginawa niyang pagdaluhong kay Levi matapos siyang mahimasmasan. To think that she was mad at him for coming home late pero tila siya naging linta sa pagngunyapit nang dumating ito. Wow ha!

"Stop staring," At lalong hindi nakakatulong na nakapangalumbaba pa si Levi habang pinapanood siyang nakahiga na sa kama. Nilalaro nito ng mga daliri ang sariling labi habang nangingiti.

"You're so beautiful, Bree. How could I?" malambing na wika nito. She was very sure she looks like a freaking tomato.

"Hindi ka pa ba aalis?" tanong niya na bahagyang naiilang. Mukhang balak pa yatang panoorin ni Levi ang pagtulog niya buong magdamag.

Tumayo ito mula sa monobloc chair at lumapit sa kanya.

"I can't sleep here?"

Umangat ang kilay ni Bree. "Why would you sleep here?"

Naglaro na naman ang kapilyuhan sa mga mata ni Levi. "Why not? I'm doing you a favor. Kanina nga ay halos hindi mo na ako bitawan. Not that I mind, though. Gusto ko nga ang ganoon araw-araw."

"Asshole," bulong niya na mukhang narinig din nito dahil sa ginawang pagtawa. "Gusto mo akong iiyak nang ganoon lagi? Hindi mo ako mahal?"

What the fuck, Bree? Bakit sobrang pabebe naman yata no'n? God! She's losing it!

"I'm very devoted, Bree. Sa sobrang loyal ko sa'yo, may plus points na ako sa langit," ngisi ni Levi.

Tumungo siya. She actually want to know something pero nahihiya naman siyang itanong iyon.

Tumindig ang balahibo ni Bree nang maramdaman ang marahang paghaplos ni Levi sa kanyang tiyan. It was not actually because she was awkward. She liked it, damn it!

Gusto niya si Levi. Gustong-gusto niya ito sa punto na parang masisira ang ulo niya kung hindi pa niya iyon aminin sa sarili.

"Baby..."

Kumalabog ang puso ni Bree sa kaba at sa excitement at sa mga pakiramdam na hindi niya mabigyan ng pangalan. Sure she liked men before, hindi naman siya bato para hindi makaramdam ng kahit ano. But this one's different. Sa reaksyon niya pa lamang kanina ay alam ni Bree na kaiba ito sa kahit anong pakiramdam.

"You're quiet again, Bree... Natatakot ako kapag nananahimik ka," may panunuyo sa boses ni Levi. "Can you tell me what's wrong now?"

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang bawat titig ni Levi. Lunod na nga. Hindi na makaahon.

"Sleep here."

Sure it was her voice. Pero kung nagulat siya sa sinabi niyang iyon ay mas lalong nagulat si Levi. Pakiramdam niya ay mahuhulog ang mga mata ni Levi sa sobrang pamimilog niyon.

Yes, Bree. So much for being the conservative type!

"Nevermind," agad na bawi niya. "I'm just saying..."

"Touch move, Bree. What nevermind?" bawi agad ni Levi bago umupo sa gilid niya. Umusog siya ng kaunti para magkasya silang dalawa. Pero masyadong malaki ang kinakaing espasyo ni Levi sa kama nila. It was impossible to even create a distance in between.

At... well... para saan pa ba? Hindi naman na kailangan.

Halos pigil ni Bree ang paghinga nang humiga si Levi sa tabi niya. Her senses are all at the alarming state. Pakiramdam ni Bree ay maririnig ni Levi ang pagkalabog ng dibdib niya kung hindi sila mag-uusap ng kahit ano.

"You okay?" tanong ni Levi na hindi alam kung titihaya o tatagilid para makahiga siya ng maayos kahit sa totoo lang ay malapit na nga itong malaglag doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon