"Sino na naman daw ngayon?"
Mariing napahilot sa sentido si Brianne nang marinig ang dahilan kung bakit napatawag sa kanya ang kapatid na si Kervin ng alas-dose ng hatinggabi. Ngumunguyngoy na naman daw ang mama nila sa kwarto dahil hindi na naman umuwi ang magaling nilang ama.
"Hindi ko alam, Ate. Siguro ay iyong dalagang anak no'ng isa niyang kumare. May nakakita kay papa na kasama iyon. Kaso hindi naman naniwala si mama."
Napaikot ni Bree ang mga mata. Dahil pinili na ng mama niya ang magpakatanga, malamang ay talagang tuluyan na nitong binubulag ang sarili.
Nakatapos na si Bree noon ng kolehiyo nang una niyang malaman ang pambababae ng papa niya. Pero bago iyon ay marami na siyang naririnig na mga usapan na kung sino-sino ang nakikitang kasama ng papa niya. Nagtatrabaho ito bilang construction worker sa probinsya nila ngunit sa kabilang bayan pa kaya lingguhan lang ang uwi nito. Kaya siguro lumaki rin si Bree na mas malapit ang loob sa mama niya.
Sinubukan niyang makipagsapalaran sa Maynila nang makapagtapos at nakakuha siya ng trabaho bilang production assistant sa isang media network. Nagpatayo siya ng maliit na sari-sari store sa bahay nila sa probinsya nang makapag-ipon para sa gayon ay may pagkaabalahan ang mama niya na nasa bahay lang. Dalawang taon ang lumipas nang makiusap si Bree sa papa niya na huminto na sa pagtatrabaho dahil kakayanin naman niya na siya na lang ang susuporta sa kanila.
Pumayag naman ang papa niya pero ang paglalandi nito ay hindi pa rin naman nahinto. Ilang beses nang sinabi ni Bree sa mama niya na pabayaaan na ang kanyang ama pero buo talaga ang paninindigan ng mama niya. Tutal naman daw, sa gabi ay sa kanila pa rin naman ito uuwi.
Mahal na mahal ni Bree ang mama niya. Pero hindi niya talaga matanggap kung gaano nagpapakahibang ito! Hindi niya talaga iyon maiintindihan!
And no, hindi niya tatanggapin ang "kasi mahal ko naman" na dahilan. It's too shallow. Hindi porke mahal mo ay nagpapaloko ka. Your love won't justify that.
"Kailan pa 'yan, Kervin?" tanong niya.
Nasulyapan ni Bree ang kaibigan at kasama sa trabaho na si Estrella. Nasa Laguna sila ngayon para dumalo sa kasal ng isang staff sa agency nila. Sumenyas si Estrella sa kanya na tila nagtatanong kung ayos lang ba siya. Umiling si Bree at napairap sa kawalan.
"Siguro noong nakaraan pa. Tapos kanina lang niya nahuli ng personal..." bumuntong-hininga ang kapatid niya. "Alam mo naman 'yon, Ate... Magkukulong na naman si mama sa kwarto at hindi kakain. Sisigla lang iyon ulit kapag bumalik si papa rito."
Napakamot si Bree sa ulo. Gusto na talaga niyang matapos ang pinapagawang bahay para madala na sa Manila ang mama at kapatid niya. Bahala ang papa niya na ubusin ang kung sinuman na gusto nitong kalantiriin sa probinsya!
"At kailan na naman kaya babalik si papa d'yan? Kapag umay na siya sa babae niya?" naiirita niyang tanong.
Her mother seemed to normalize her father's cheating. And she hated it so much! Hindi niya matanggap na tinatapakan ng mama niya ang respeto nito sa sarili dahil lang takot itong maiwan ng asawa. Bilang anak ay masakit sa kanya iyon, lalo na ang marinig sa iba kung gaano nagpapabilog ang mama niya.
Noong una ay hinahayaan pa ni Bree na kusang madala ang mama niya. On her defense, kapag napuno ang mama niya ay kusa namang sasabog ito at madadala. Pero mas lalo lang lumala ngayon! Wala na sa lugar ang kabaitan ng nanay niya.
And the problem with nice people? They think that there is always a good side on every person. To the point na kahit ang hindi magandang ginagawa ay hahanapan pa ng excuse. She's not saying that it's bad, though. Pero may ibang tao talaga na sa halip na magbago ay namimihasa lang na magkamali dahil nasanay na lagi silang pinagbibigyan.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 8: Game Over
RomanceBree never believed in romance fairy tales. Two people will meet and fall in love, then it's happy ending for them. That's too idealistic and surreal. Siguro ay dahil lumaki siya na hindi mala-fairy tale ang sitwasyon ng mga magulang niya. And it's...