Chapter Five

283 14 3
                                    

"Alam mo ba no'ng high school 'yan si Brianne, naku, ang daming nagpupuntang lalaki rito lalo na kapag fiesta para maimbitahan siya sa sayawan sa plaza. Para silang nakapila sa labas ng bahay."

Nag-init ang mga pisngi ni Bree sa ikinukuda ng nanay niya kay Levi habang tinutulungan ito ng huli na ipasok sa loob ng tindahan ang mga na-order na case ng softdrinks. Mariin siyang napakagat sa straw ng iniinom na coke nang magawi ang tingin ni Levi sa kanya at ngumisi pa.

Napaka-OA naman kasi ng kwento ng mama niya. Anong pumipila ang sinasabi nito?

"Sumasama naman po siya?"

At nakisakay pa talaga ang tinamaan ng magaling!

Walang salita na kumuha siya ng mga bote at nagkusa nang isalansan iyon sa malaking ref para kunwari ay busy siya. Kahit pa ganoong tila nag-iinit ang likod niya dahil sa nararamdamang pagsunod ng tingin ni Levi sa mga galaw niya.

"Naku, pihikan ang batang 'yan. Kahit pa yata alayan mo ng buwan at bituin," humalakhak ang mama niya.

Levi chuckled too. "Syempre, tita. Linya lang ng mambobola 'yon. Hindi mo naman talaga masusungkit ang buwan at bituin."

She rolled her eyes. The expert has spoken. Sa lawak yata ng experience ni Levi ay alam na alam na nito ang do's and don'ts.

"Pero kung nagkakilala siguro kayo no'n ni Bree, baka nauna ka na sa pila niyan!"

Parang umangat mula sa sikmura niya ang nainom na softdrinks. Malakas siyang napatikhim bago pa masamid. Her mother is lowkey playing Cupid, huh?

"Really, Tita?" nasa boses ni Levi ang pagkaaliw.

Why is she even here?

"Aba ikaw lang ang kusang naimbita ni Bree sa bahay namin! Sa sobrang inip ko nga, akala ko kapag nagdala siya ng lalaki sa amin ay buntis na siya."

Tuluyan na siyang nasamid. Nanlalaki ang mga mata niyang lumingon sa dalawa.

"Ma!" nanghihilakbot na saway niya.

It's as if being single is a sin, come on! Better marry late than regret early because you settle for less, 'di ba?

"Actually, ako po ang nag-imbita sa sarili ko rito. Hindi naman po ako niyaya ni Bree."

Kumunot ang noo ng mama niya at tila may pagmamaktol pa na bumaling sa kanya. Totoo naman ang sinabi na iyon ni Levi pero mukhang nakagawa na naman siya ng kasalanan.

"Pasensya ka na kay Bree, Levi," bumaba ang boses ng mama niya. Napabuntong-hininga siya. "Mabait naman 'yan. Sa susunod ako na ang mag-iimbita sa'yo rito."

"Sa susunod, sa Manila ka na niya bibisitahin, Mama. Hindi na rito."

Hindi kaagad nakasagot ang Mama niya at tipid lang na ngumiti. Bahagya siyang natilihan sa naging reaksyon nito. Inilapag ni Bree ang huling hawak na bote.

"Mama, nasabi ko na sa'yo. Gusto ko kayong isama ni Kervin sa Manila," seryosong usal niya.

Naging mailap ang tingin ng Mama niya. This is it. This was the usual scenario everytime she would bring this thing up. Hindi pa rin talaga napapahinuhod ang mama niya sa kagustuhan nitong manatili.

"Okay naman kami rito, anak."

Napasinghap siya. "Anong klaseng okay, Ma? Na hindi na kayo tinigilan ng mga usap-usapan dito dahil kay Papa?"

Alanganing ngumiti ang mama niya at umiling. Tumalikod ito at sinipat ang mga istante.

Humakbang siya papalapit sa kanyang mama nang maramdaman ang paghawak ni Levi sa braso niya. Sa kabila ng pungay ng mga mata nito ay siya naman ang bahagyang higpit ng hawak nito sa kanya na parang pinipigilan siya sa mga nais pang sabihin.

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon