Sa kwento ng Mama ni Bree ay may isa siyang bagay na natututunan. That is, sometimes, guilt is overpowering than regret. Guilt happens when you've done something wrong in purpose. While most of the times, being regretful is when you've made decisions be it intentionally or not and wishing you could change what was done.
Her mom felt guilty. In fact, her mom couldn't do anything to change the past. Dahil lahat nang pinili nitong desisyon ay dinala na sila sa kanilang kinalalagyan ngayon. Kaya ngayon, sa ibang paraan na lang pinagbabayaran ng Mama niya ang pagkakamaling iyon, hoping that it would lead to a different ending. Bahala na kung tama man iyon o mali.
"Siguro hindi lang din dahil sa Papa mo nakakaramdam ng kasalanan ang Mama mo," komento ni Levi nang pahapyaw niyang ikwento ang napag-usapan nila ng kanyang mama kanina.
Kanina pa pinipilit ni Bree na makahuli ng antok pero talagang hindi siya pinagbibigyan ng sarili. Naabutan niya pa si Levi sa kusina na katulad din niyang hindi makatulog.
Nagulat pa si Bree nang ayain siya nito sa rooftop ng bahay nila na tinuro raw ni Kervin kung paano umakyat. Gaano na ba siya katagal na hindi nakauwi at nagpaka-Engineer na yata ang kapatid niya sa bahay nila?
"Sa kaibigan niya?"
Umiling ito at ngumiti sa kanya. "Sa inyo ng kapatid mo. Pakiramdam siguro ni tita, kaya kayo hindi naging masaya dahil umpisa pa lang, hindi na tama."
Bumuntong-hininga siya at akmang hihiga pero magaang hinila ni Levi ang braso niya. Hinubad nito ang suot na jacket at isinapin sa likuran niya. Marahan siya nitong itinulak pahiga kaya natawa siya. Itinungkod nito ang magkabilang kamay sa likuran nito para suportahan ang sariling bigat bago tumingala.
"People really do anything for love," dugtong pa nito. Para pang nahipan si Bree nang lumingon ito sa kanya at nag-angat ng kilay dahil napansin siyang nakatitig.
Tumikhim siya at balewalang nag-iwas ng tingin. Bakit ba masyado niya yatang napapansin si Levi nitong mga nakaraang araw?
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung kanino ba dapat ako magalit o sino ba ang pwede kong sisihin," aniya habang pinagsasawa ang tingin sa malaking buwan at nakasabog na mga bituin.
The sky is on its starry peak tonight. It's very beautiful and calming.
"Do you need to?" tanong ni Levi.
"What?"
"Kailangan bang may kagalitan ka o may dapat sisihin? It won't even change anything. Magdadagdag ka lang ng bigat sa loob sa isang bagay na hindi mo naman kontrolado."
Hindi kaagad siya nakasagot.
Sa totoo lang, nang makilala ni Bree si Levi bilang happy-go-lucky na tao, pakiramdam niya ay masyado itong immature para sa tipo niyang makalapit. Pero ngayong kasama niya ito, she actually felt like Levi knew more about life than she does. Napakalawak ng pang-unawa nito. Something that she found really shallow back then.
That's how she viewed being very kind and understanding - shallow. Dahil iyon ang kinalakihan niya. When you're very nice, people will take you for granted. Lagi nilang iisipin na kahit anong gawin nila ay ayos lang sa'yo dahil mabait ka. When you're hurt, there are high chances they won't take you seriously because you're strong enough to understand. And some people just don't deserve that kind of kindness.
Pero iba yata kay Levi. That kindness actually makes him rational.
"Hindi ko siguro matatanggap na kailangang magkaganoon ni Papa sa pamilya namin. Pero baka ganoon talaga, 'no? Kapag gusto mo nang takasan iyong mga ayaw mo?"
BINABASA MO ANG
Girlfriends 8: Game Over
RomanceBree never believed in romance fairy tales. Two people will meet and fall in love, then it's happy ending for them. That's too idealistic and surreal. Siguro ay dahil lumaki siya na hindi mala-fairy tale ang sitwasyon ng mga magulang niya. And it's...