Chapter Three

353 16 1
                                    

Tumilamsik kay Bree ang kapeng hinahalo nang mabitawan niya ang kutsarita roon. Nanlalaki ang mga mata na bumaling siya kay Levi na nakatalikod habang naghuhugas ng pinagkainan.

"You what?" utas niya.

"Sasama ako sa'yo sa Ilocos," kaswal lang na tugon nito.

"Bakit ka sasama?" kumunot ang noo niya.

Nagpunas muna ng mga kamay si Levi bago dumalo sa kanya. Marahan nitong hinila ang tasa at ito na ang tumapos sa pagtitimpla.

Kinalabit niya ito dahil hindi pa rin sumasagot.

"Bakit?"

"I'm just curious about your place. Pupunta ka rin lang naman, sasabay na ako."

Naningkit ang mga mata ni Bree at mariin na tinitigan ito.

"Pupunta ka roon para mamasyal? Seriously?"

"Kapag sinabi kong gusto kong sumama para may moral support ka?"

"Moral support?"

Napangiwi siya nang alugin ni Levi ang braso niya. Para itong bata na gustong magpabili ng candy.

"Isama mo na kasi ako..." ngumuso ito. "Galing ka pang work. Ako na ang mag-da-drive para sa'yo..." kumislap ang mga mata nito na tila may naisip. "Ganoon na lang. Ako na lang ang magiging driver mo."

May pagdududa niya itong pinagmasdan. "Mambababae ka siguro roon kaya gusto mong sumama?"

Natawa si Levi. "Ano?"

"Gusto mo pang dumayo sa ibang lugar para maghanap ng babae. Akala ko ba may gusto ka na rito?"

Naging mailap ang tingin nito. Nang sinapo niya ang magkabilang pisngi ni Levi para hanapin ang mga mata nito ay mukha pa itong nasindak. Humalakhak siya bago ito bitawan.

"Guilty nga... sabi ko na, eh! Hindi totoong may gusto ka!"

Humalukipkip ito. "Ang sama na kaagad nang iniisip mo sa akin, gusto ko lang samahan ka," tumayo ito at bumalik sa sala.

Hala siya! Bakit ba daig pa ni Levi ang babae kung makapag-attitude sa kanya?

"Tulungan na lang kita mag-ayos nito para pwede ka munang matulog. Mahaba ang i-da-drive mo."

Hindi siya sumagot at sinulyapan lamang ang malapad na likod nito. Katulad ng mga nakaraang sitwasyon, tila alam na alam talaga ni Levi kung kailan siya nito sasaklolohan. But of course, she couldn't stay dependent on him. Lalo pa ngayon na mukhang may seseryosohing babae ito.

And yet, there's something warm about him. Something that makes it comfortable for her to lean on him. Maybe it's the positive aura or the happy vibe? Kaya siguro napalapit din siya kay Levi kahit malayo ito sa klase ng tao na pag-aaksayahan niya ng panahon.

"O, tapos saan ka mag-s-stay do'n?" bumuntong-hininga siya.

Nang lumingon si Levi ay halos mapunit ang bibig nito sa pagngiti.

"May mga apartment or hotel naman siguro ro'n. Hindi na ako tutuloy sa inyo."

Kahit nakakahiya naman na hindi mapatuloy si Levi sa kanila ay wala naman siyang magagawa. Ayaw ni Bree na maabutan ni Levi kung sakaling bumalik ang papa niya at tanggapin na naman ito ng kanyang mama na parang walang nangyari. She had enough humiliation for that. Hindi na siya natutuwa sa ganoong klaseng kabaitan ng mama niya. It isn't healthy at all.

"Hindi kita masyadong maaasikaso, Levi. Kailangan kong bantayan muna si mama."

Tumango ito. "Don't worry about me. I'll be a very, very good boy," ngumisi ito. "Huwag mo na lang sabihin kay Estrella na sasama ako. Baka kung ano pa ang isipin no'n."

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon