Chapter Six

261 16 2
                                    

"Hindi ba masyadong fit 'yang damit mo?"

Natigil sa pagpapahid ng lipstick si Bree at pinagmasdan si Levi mula sa vanity mirror. Nakasandig ito sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip na pinanonood siya sa pag-aayos.

"What?"

"You're overdressed."

Namangha si Bree at tumayo. Umikot pa siya sa harap ng salamin para sipatin ang sarili. She's wearing a black cropped string top tucked in a high-waist ripped jeans. She got a light makeup and a styled messy bun with curly strands moving freely on both sides of her face. She also wore red pumps to complete her fashionable getup.

Umangat ang kilay niya. Kahit saang anggulo ay hindi naman siya overdressed. Napakasimple na nga lang ng suot niya kompara sa katulad ng mga ganitong event na dinadaluhan niya sa Manila. She doesn't want to attract too much attention so she liked to keep it simple.

"I'm attending a beauty pageant, Levi. Ano ba dapat ang isuot ko?" natatawa niyang tanong bago muling umupo.

Pumasok na si Levi at ibinagsak ang sarili sa dulo ng kama niya. Hindi pa rin siya nito nilulubayan ng tingin. Mahina siyang napamura nang dumulas ang lipstick sa kamay niya kaya lumagpas ang ginagawa niya.

"Go away, Levi," she hissed.

Tila nang-aasar pa na itinukod nito ang mga siko sa magkabilang tuhod at nagpangalumbaba sa tapat niya.

"Come on, I knew you've seen women wearing clothes sexier than this."

"You think you're sexy?"

Kumunot ang noo niya at matalim ang titig na binalingan ito. Tumawa si Levi at itinaas ang dalawang kamay.

"Of course, you are. Ikaw na yata ang pinakamaganda at pinaka-sexy na babae na nakilala ko."

"Iyon naman pala," aniya na pinatulan ang pambobola nito. "It's good to flaunt it when you have it."

"But the thing here is... I hate sharing, Bree. I don't want people to prey over something I find really beautiful."

Tumango siya at nagkibit-balikat. "Well, Levi, you can't be possessive over something you don't own. Lalo na sa tao. Nakakasakal 'yon."

"It's protection," naaaliw na sagot ni Levi. Hindi tuloy alam ni Bree kung inaasar lang ba siya ni Levi o seryoso ito sa pakikipag-argumento sa kanya.

"No, it's being paranoid. Hindi lahat ng titingin sa gusto mo ay balak mang-agaw. You ever heard of appreciation?"

"How would you know that it's only appreciation? It's very easy to act like it. But who would even know what exactly runs in someone's mind?"

Ngumuso siya. May point na naman ang kumag.

"Then you ever heard of the word trust?"

"What?"

"Kahit ilang tao ang gustong umagaw sa kanya, kampante ka na hindi siya magpapaagaw dahil ikaw lang din naman ang gusto niya," aniya habang ikinakabit ang hikaw.

"Paano ko malalaman na ako ang gusto niya?"

She scoffed. "Itanong mo."

"Ayaw naman niya."

"What happened to 'you really wouldn't know what exactly runs in someone's mind'?"

"Some things are very easy to tell. Confirmations are just formality."

"May kinatatakutan ka rin pala? Wow! Sa kayabangan mong 'yan?"

Sumimangot si Levi at umahon sa kama.

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon