Chapter Seven

275 16 3
                                    

Nakakuyom pa rin ang mga kamay ni Bree kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang magpakita sa kanya ang papa niya sa event. She was fuming mad and disappointed, but above all, she's hurt! She really didn't think the best of her father but at least, she kind of expected a little ounce of respect from him because she is still his daughter!

Sa totoo lang, nakinita na ni Bree sa utak niya ang eksenang iyon. How she would probably react if his father showed up in front of her. Pero sadyang iba pala talaga ang nangyayari na kaysa sa iniisip lang. Ang mga bagay na masakit isipin ay hinding-hinding mo mapaghahandaan kung nariyan na.

Your feelings are all over the places, it's so fucking crazy! Feelings became more transparent as quickly as it turned you vulnerable.

"Your thoughts are so loud, Bree."

Bumuntong-hininga siya sa komento ni Levi habang nagmamaneho ito ng sasakyan. She really didn't want to drag him on her mess but she was so thankful he insisted to come with her.

Kung hindi siguro dahil kay Levi ay naroon pa rin siya sa event at nagmukhang kawawa habang pinag-chi-chismisan.

What is she supposed to do, anyway? Baka mas lalo lang makaladkad ang pamilya niya kung gumawa pa siya ng eskandalo. Ayaw na niyang bigyan ng ganoon pang problema ang mama niya.

"Ayoko pang umuwi."

Naramdaman ni Bree ang paglingon ni Levi sa gawi niya. Her mind was still messed up and she just couldn't fake it in front of her mother. Kung pwede nga lang ay hindi na talaga muna siya uuwi. If it wasn't for Levi, she really would come up with an excuse to spend the night somewhere else.

"Just drop me off at some inn. Marami naman dito. Then go home. Ikaw na bahala mag-cover sa akin. Say I'm on a victory party whatever."

Levi chuckled sarcastically. "Nice, Bree. As if I could just really leave you anywhere like that."

Mapait siyang nakitawa. Parang may kumakayod sa lalamunan niya dahil pilit na pilit iyon.

"You shouldn't have seen that. Ang pathetic ko siguro, 'no? Tingnan mo, kinakaya-kaya lang kita and then I was a fucking loser clinging to you for dear life! Oh my God!" she spat.

"It's fine to feel weak at some times, Bree. You didn't look any less to me."

Pinagmasdan ni Bree ng maigi si Levi habang naghihintay na gawin nitong biro iyon. Pero seryoso lang itong nakatingin sa kalsada at nang bumaling sa kanya ay nag-angat ito ng kilay na mukhang nagtataka sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at isinandal ang ulo sa headrest bago pumikit habang marahang hinihimas ang sentido

"I feel like I need more strength to deal with this right now, Levi. Parang hindi pwedeng maging mahina."

Napadilat siya nang biglang sakupin ng kamay ni Levi ang kamay niya at dalhin iyon sa pisngi nito. Nahigit ni Bree ang hininga lalo na nang maramdaman ang init ng balat nito na tumatawid patungo sa kanya. Parang binubuhay ng init na iyon ang lahat nang namatay sa kanyang sistema mula kanina.

"You can break in front of me, Bree. Ako naman ang magiging malakas para sa'yo."

Jesus Christ! That was so cringy, alright! But why does that feel comforting more than anything?

Hindi na yata maganda iyon, ah?

Mariin niyang kinurot ang pisngi ni Levi at nang humiyaw ito ay binawi ni Bree ang kamay. Humalukipkip siya at umiling.

"Levi Joshua... sobrang gago mo," kastigo niya.

Manghang lumingon ito sa kanya habang tinatampal ang namumulang pisngi.

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon