Chapter Ten

318 14 9
                                    

Hindi na mabilang ni Bree kung ilang beses napapaangat ang kilay niya sa bawat ngiti at kaway ni Levi tuwing may mga babaeng bumabati rito. Mapa-locals at turista ay wala itong pinapalagpas. Daig pa ang kumakandidato!

"Kuya is really friendly, Ate," bulong ni Kervin sa kanya habang pinapaikot-ikot sa kamay ang bola nito.

"That's not being friendly, Kervin," she scrunched her nose in annoyance. "You should double check the dictionary para hindi inaagiw sa bahay natin."

Bumaling sa kanya si Levi at hindi alam ni Bree kung nahuli ba nito ang pagkakasimangot niya. Inakbayan niya si Kervin at ngumiti.

"It's nice here. Don't you think?" komento nito.

Muntik nang tumabingi ang ngiti niya. Nice, huh? Of course! Lalo pa at hindi lang dagat ang tinatanaw nito.

Isinuot ni Bree ang kanyang shades at inayos ang tumabinging floppy hat. Mataas ang sikat ng araw pero sa sobrang daming puno sa paligid ay hindi masakit ang tama ng sinag niyon sa balat. Marami-rami na rin ang tourists at locals na naroon pero malamang ay mas dadagsa pa sa summer peak season.

Inalis ni Bree ang suot na boho sandals para mas madama ang mga pinong buhangin sa paa. She played on it with her foot while feeling the gentle sea breeze. Katulad ng pangalan ng beach resort na Blue Lagoon, malinaw ang asul na tubig nito na parang mga kristal na nagkikislapan sa tama ng araw. Sa 'di kalayuan naman ay matatanaw ang rock formations na sa palagay niya ay hindi na sakop ng resort.

This isn't her first visit on a beach after a long time. Sa trabaho niya ay madalas silang may photoshoot sa beach lalo na kapag summer. Maybe it was the feeling that makes it different now. Dahil hindi siya naroon para sa trabaho. She's with her family and that actually brought her peace.

"Tumutulo na 'yang laway mo, Levi Joshua," buti na lang at naka-shades siya kaya hindi nito napansin ang pag-irap niya.

"Bakit?" tanong ni Levi na kinuha sa kamay niya ang bitbit na sandals.

"Itatanong mo pa talaga?" umismid siya bago minadali ang paglalakad.

Tutulungan lang niya ang kanyang Mama na magligpit ng gamit nila mamaya, pagkatapos ay magtatampisaw na siya sa tubig. Sa mababaw lang, syempre. Marunong lang naman siyang lumangoy kapag naaabot pa ng paa niya ang buhangin.

Nang makapasok sa nakuhang cottage ay hindi napigilan ni Bree na mamangha. She expected it to be the usual size for four people but it's actually larger than that to house them. May apat na single wooden bed with blue sheets at dalawang mataas na cabinet sa magkabilang sulok ng kwarto. And the floor was made of concrete glassy pebbled tiles which would definitely give an illusion of the beach.

Siniko niya si Levi habang nasisiyahan pa ang Mama niya at si Kervin sa pagmamasid ng kwarto nila.

"Magkano ang two-night stay dito? I should pay too," sabi niya kay Levi dahil halatang mas pricey ang kwarto na ito kompara sa iba.

"Okay na po lahat," ngumiti ito. "It's on me."

Alam naman niyang mayaman si Levi at afford nito kahit gaano pa ito katagal na manatili roon. But still, it's uncomfortable to let him handle all the expenses. Lalo pa at pamilya niya ang kasama nila roon.

"You should have let me pay, kahit kalahati lang sana. Nakakahiya naman."

Levi stared at her with amused eyes. Akala yata nito ay nagbibiro siya.

"Nahihiya ka pa talaga sa akin niyan, ah? Inaaway-away mo nga lang ako lagi."

"I'm serious," she rolled her eyes.

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon