Chapter Eight

261 14 4
                                    

Naramdaman ni Bree ang pangingikig sa lamig dulot ng hangin na pumapasok sa bintana. Hinila niya ang unan sa kanyang tabi at nagsumiksik ng maigi roon. Now her pillow feels warm. Madali lamang siyang iginupo muli ng antok.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog nang magising dahil sa ingay ng cellphone. With only one eye opened, she searched for her phone on the small bedside table. Basta na lamang niyang pinindot iyon at ibinagsak sa tainga.

"You're with Levi."

What? Tila nagising ang buong kamalayan ni Bree sa tili sa kabilang linya. Napadilat siya at tiningnan kung sino ang tumawag.

Now, she's busted. It was Estrella. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Good morning," namamaos pang bati niya bago sumulyap sa ibaba ng kama. Nakaimis na ang pinaghigaan ni Levi roon. Had he left already?

"Ikaw pala ang nagtatago sa pinsan ko, Bree. I had a hunch already. But I thought you wouldn't," humagikgik ito.

"I didn't ask him either," sagot niya. There's no point of lying anyway. Confirmation na lang naman ang kailangan ni Estrella dahil hindi naman ito mukhang nagtatanong.

"So what? He blackmailed you?" Estrella sounded so ready for details.

"Akin na nga! Talagang iyan pa ang una mong pinagtutuunan ng pansin, ha?" narinig niyang saway ni Marinela. Mukhang magkakasama ang mga kaibigan niya.

"Girl!" Nailayo ni Bree ng bahagya ang cellphone dahil sa mataas na boses ni Marinela. "Have you seen the news? It's all over the social media!"

"What news?"

"Well, uhm... apparently, someone uploaded a video of you from an event... and, with your father," alanganing balita ni Marinela.

She sighed in frustration. Tumingala si Bree at tumitig sa kisame. She actually expected it to grace the internet. Sa totoo lang, kagabi pa nga niya inaasahan na kakalat iyon. At sa totoo lang, sanay naman na siya na may mga taong kahit paghinga at galaw ng mata ay magagawan ng issue. And for years she had been in this industry, she already learned to turn a blind eye because it's nonsense.

Pero ibang usapan kapag dawit ang pamilya niya. She didn't want people to harass her family's private matters. Hindi niya gugustuhing dalhin ang mama niya at ang kapatid niya sa gulong kagaya nito.

And Levi... that's also probably how her friends knew she's with him.

"May inaasikaso lang si Madam Chay sa media para ma-control iyong mga lumalabas na balita. She'll probably call you later," nag-aalalang sambit ni Marinela.

Just control, not stop... Yes, it's probably impossible to end this from reaching every corner of the social outlets right away.

"Bree..." boses ni Muse. "Shall we come over? Parang gusto kong samahan ka riyan."

Napangiti siya sa kabila ng pagkabahala. She might be unfortunate on some personal things but then she was blessed to have her friends.

"I can deal with this, Muse. Sorry, nasa malayo na nga ako pero nagdala pa ako ng lilinisin niyo riyan..."

Muse scoffed. "God, Bree! We only need you to be fine, okay? At hindi mo kailangang mag-release ng statement mo kaagad kung hindi ka ready. It will probably set more fuel to this fire. Siguraduhin mo na lang na okay ang mama mo at ang kapatid mo. And... oh, where are you? Did they know already?"

"Uh, no... Wala ako sa bahay."

"Bakit? Umiwas ka muna sa paglabas mo. Nasaan ka ba? May kasama ka?"

Girlfriends 8: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon