People sometimes do things impulsively then regret things later on. Not because they didn't like it but they actually don't know how to deal with it after the moment had passed. And that exactly was Bree's dilemma right now.
"Diyos ko, itong bata na ito. Nagpunta rito sa beach para matulog!"
Naririnig ni Bree ang sentimyento ng Mama niya habang inuuga-uga pa siya para magising. But she kept her eyes close. Kanina pa siya tila masasamid kakapeke ng pag-ungol tuwing ginigising siya nito.
"Gusto raw niyang makita ang sunrise. Baka sunset na ang abutan nito mamaya," mukhang frustrated na ang Mama niya.
Pumaling siya ng higa paharap sa pader at itinalukbong ang kumot. Doon siya dumilat at naramdaman ang pag-alis ng Mama niya sa kama.
"Hayaan niyo na muna, Tita. Hindi niyo po siguro talaga magigising 'yan," boses ni Levi.
Mariin siyang napapikit at ilang beses na palihim na minura ang sarili nang mag-playback na naman sa utak ang halik nila kagabi. And hell, the least thing she wanted to see right now would be him!
What would she tell? What would he ask her? Nag-walk out nga lang siya kagabi matapos makipaghalikan dito! Ni hindi nga niya alam kung ano ang sasabihin kapag tinanong nito kung bakit niya ginawa iyon!
"Siya, hayaan na muna ito. Mauna na tayong kumain. Babangon din naman 'yan kapag nagutom," anang mama niya.
"Sige po."
Pinakiramdaman ni Bree nang mabuti ang mga yabag ng paa kasunod nang pagbukas-sara ng pinto. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Ibinaba niya ang nakabalot na kumot pero ganoon na lang ang pagkatigagal ni Bree nang makitang nakatayo si Levi at nakahalukipkip sa paanan ng kama niya.
Seryoso lang itong nakatingin sa kanya at base sa reaksyon ng mukha ay inaasahan na nitong gising naman talaga siya.
"Mahirap talagang gisingin kapag nagtutulug-tulugan," komento nito at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. She looked away when she saw how his biceps flexed with his action.
"Kakagising ko lang!" halos pumiyok si Bree sa depensang iyon.
"I haven't even slept for a second. Nakatulog ka ba ng mahimbing?"
Good question. Kung kailan nga lang bumangon ang Mama niya at nagbukas ng mga ilaw ay saka lang siya pumikit!
"Why are you still even here? Niyayaya ka nang kumain, ah?"
Ngumisi si Levi. Good job, Bree! Ngayon ay nilaglag lang talaga niya ang sarili.
"We need to talk," sabi nito.
Nagmadali siyang bumangon at inayos ang pinaghigaan. Hindi naman ulit nagsalita si Levi at mukhang pinapanood lang ang pagka-gaga niya.
Natigilan siya nang akmang kukunin ang tuwalya sa cabinet dahil nakaharang si Levi roon. Does she even need a towel? Pwede naman sigurong hindi na?
Tatalikod na sana si Bree nang hinagip ng mga kamay ni Levi ang magkabilang braso niya. It was a sudden pull that she almost lost her balance. Buti na lang at agad niyang naisandal ang mga kamay sa matipunong dibdib nito.
Her cheeks flushed again. Her hands are all over him last night. She could actually visualize how hard that chest is, damn it!
"Levi, I--" kulang na lang ay lagyan niya ng pagmamakaawa ang tono.
Masuyong ngumiti si Levi sa kanya. Inabot nito ang mga buhok na tumatabon sa kanyang mukha at inipit iyon sa likod ng tainga niya.
"You don't want to talk about it?" malumanay na tanong nito. "It's okay, don't worry. Hindi kita pipilitin."
BINABASA MO ANG
Girlfriends 8: Game Over
RomanceBree never believed in romance fairy tales. Two people will meet and fall in love, then it's happy ending for them. That's too idealistic and surreal. Siguro ay dahil lumaki siya na hindi mala-fairy tale ang sitwasyon ng mga magulang niya. And it's...