"Ang totoo niyan, hindi naman na ako galit sa papa ko. Napagod na akong magalit sa ginagawa niya kasi wala namang nagbabago. Kung gusto niyang umalis, pwede naman. Kaso hindi. He keeps on changing women. Young women, mind you! Hindi lang siya ang napeperwisyo, syempre ang buong pamilya namin!"
Nakapangalumbaba lang si Levi habang nakikinig sa mga hinanakit niya sa buhay. Inabot muli ni Bree ang bote ng beer at nilagok iyon. Unlike some of her friends, she has a high tolerance in alcohol. Hindi lang talaga siya madalas magyayang uminom. Pero kapag nangyayari iyon tulad ngayon, laging tungkol sa pamilya niya ang problema.
"Ano, gusto mo pa?" tanong ni Levi nang masulyapan na wala ng laman ang pang-apat na bote niya.
Natawa siya at napailing. Levi was the kind of man she would most likely hate because of her family's experience. But funny how she was really comfortable of telling him her story. Siguro dahil lagi itong nakikinig at bihira lang naman magbigay ng komento kaya malaya niyang nasasabi ang lahat.
Kahit mukhang paulit-ulit na nga ang rants niya ay hindi ito nagrereklamo.
"Bakit ba kayo nambababae, ha? Sobrang sarap ba sa ego na may maghahabol sa inyo after niyong paasahin?"
Sumandal si Levi sa upuan at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. Mataman siya nitong pinagmasdan na may halong pagkaaliw.
"Kapag ikaw talaga ang nagsalita, lagi akong nadadamay kahit wala akong ginagawa sa'yo," humalakhak ito.
Umirap siya. "Baka sakaling maintindihan ko kung anong klaseng fulfillment ang nakukuha niyo d'yan."
"Hindi naman ako babaero, Brianna. Hindi lang ako nagtatagal sa relasyon kapag alam kong hindi naman talaga iyon mag-wo-work."
She scoffed. "What is that? Trial and error? Seriously, Levi!"
Ngumuso ito at nagkibit-balikat. "Relationships are trial and error, Bree. Kaya nga may mga naghihiwalay, 'di ba? Hanggang makita mo iyong taong kahit alam mong error, pipilitin mong itama. Because you don't want anybody else anymore."
"Trial and error..." umiling siya. "If you're committed, you'll make it work, Levi. Hindi mo iisipin kaagad na hindi iyon mag-wo-work. Your mindset is very coward."
"If I'm committed, hinding-hindi ako titingin sa iba. Kahit maghubad pa sila sa harap ko."
Bahagyang tumapon sa bibig ni Bree ang nainom na tubig. Inabot ni Levi ang tissue na agad niyang tinanggap. Tila alien si Levi sa harap niya nang muli niya itong tingnan.
"How can you be in a relationship if you're not committed? Levi! Grabe, ibang klase ka talaga!" na-a-amused na sabi niya.
"You can be committed with someone without being involved in a relationship, Bree. Tingnan mo ako..."
Umangat ang kilay at itinagilid ang ulo. Hinihintay niyang dugtungan nito ang sinabi pero naging mailap ang mga mata nito bago kumutsara ng sisig.
"Are you saying you're committed now?" hindi alam ni Bree kung bakit tila nag-iba ang tono ng boses niya. It's as if she was displeased about something.
Luh, girl! Alak pa more!
Hindi sumagot si Levi at nagpatuloy lang sa pagpapak ng sisig. Mariin niyang nakagat ang labi habang inaalala ang sinabi nito. He was probably right... her father is married with her mom. But he wasn't committed... because if he is, her mother would be enough.
Kung may pagkukulang, pwede namang sabihin. Kung hindi na talaga magawan ng paraan, then you can just peacefully leave. Bakit kailangang magloko pa?
BINABASA MO ANG
Girlfriends 8: Game Over
RomanceBree never believed in romance fairy tales. Two people will meet and fall in love, then it's happy ending for them. That's too idealistic and surreal. Siguro ay dahil lumaki siya na hindi mala-fairy tale ang sitwasyon ng mga magulang niya. And it's...