Napapakuyom ng kamay si Bree habang nakikita niyang napapangiwi ang kapatid ni Kervin tuwing nasisiko ito ng kalabang koponan. Kating-kati siya na tumayo mula sa bleachers para masikuhan din ang kanina pa nananakit sa kapatid niya.
"'Wag mo nang ipasa ang bola, Vin!" sigaw ni Levi sa kanyang tabi na mukhang hindi naman nababahala sa nangyayari.
"Sana sinuntok na lang ng kapatid ko 'yang kalaban niya," iritableng wika niya nang mag-foul ang kabilang team.
Humalakhak si Levi. "Relax, Bree. They are playing. Hindi mo talaga 'yan maiiwasan sa ganito. Tama lang na kalmado ang kapatid mo. Kapag dinaan niya 'yan sa init ng ulo, ang magiging purpose na niya ay ang makaganti, hindi na ang manalo."
Ipinagkrus ni Bree ang mga braso sa dibdib at napahalukipkip. Nang mag-iwas siya ng tingin ay dumako iyon sa kabilang side ng bleachers. Doon lang niya napansin ang mga nagtutulukang babae na nag-chi-cheer sa kapatid niya. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang mga babae kung may kahina-hinala. Baka naroon ang girlfriend nito.
Napabaling siya kay Levi na pumalakpak. Bumagsak ang tingin niya sa court kung saan naghiyawan ang mga ka-team ni Kervin dahil nakuha nito ang puntos. Nanlaki ang mga mata niya nang kawayan ni Kervin ang mga babaeng nanonood dito.
"Wow," natatawang komento ni Levi.
"Ganyan ka rin siguro magpakitang-gilas, 'no?" may pagdududang tanong ni Bree kasama ang paniningkit ng mga mata.
Levi scoffed. Tinuro pa nito ang sarili na animo'y walang kaide-ideya sa sinasabi niya.
"Believe me, I'm low-profile."
She rolled her eyes.
Low-profile, my foot!
"Pwede ba!" ismid niya.
Humalakhak si Levi. "Kapag sinabi kong oo, susumbatan mo ako na babaero. Kapag sinabi ko namang hindi, iisipin mo nagsisinungaling ako. Saan ba ako lulugar?"
Hindi na siya nagsalita at ibinalik na lang ang tingin sa gitna ng court. Lamang ang team ni Kervin kaya lalong nagwawala ang mga babae sa kabilang bleachers.
Napangiti siya nang hindi namamalayan. It's nice to find happiness on small things like this. That for a certain time like this, you're at peace.
Naramdaman ni Bree ang paninitig ni Levi sa gilid niya. Nag-angat siya ng kilay at inirapan ito.
Nanalo ang team ng kapatid niya. Humihiyaw pa si Levi at nag-fa-flying kiss pa sa kapatid niya ang walanghiya. Nag-init ang pisngi ni Bree dahil nahihiya siya sa ginagawa nito. Pero mukhang siya lamang iyon. Dahil nagsimula na namang magsikiligan ang mga babaeng naroon na nakuhanan nito ng atensyon.
"Kervin! Balita ko nandito iyong Ate mo na artista?" narinig niyang sabi ng isang player sa kabilang team na sumusunod kay Kervin palapit sa kanila.
"Pakilala mo naman kami. Nagpatalo na nga kami para sa inyo, eh."
Kumunot ang noo ni Bree. Tila nagpanting ang tainga niya roon. These assholes are insulting her brother, huh?
"Kulang lang talaga kayo sa ensayo sa laro. Don't drag my sister here," marahas na sabi ni Kervin.
Napakurap si Bree nang hawakan ni Levi ang braso niya at ipinuwesto siya sa likuran nito. He was towering over her. Nakita niya ang pagsilip ng mga ugat sa kamay nito.
Nang makita ng mga lalaking iyon ang ginawa ni Levi ay tila nabahag ang buntot ng mga ito. Of course, Levi's taller and sturdier. Mukhang hindi ito mangingiming pumalag kapag may nambastos sa kanya.
She felt a sinking feeling on her stomach. Her father didn't protect her like this. Ganito pala iyon...
"May problema ba?" malamig na tanong ni Levi. Naroon ang pagbabanta sa tono nito.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 8: Game Over
RomanceBree never believed in romance fairy tales. Two people will meet and fall in love, then it's happy ending for them. That's too idealistic and surreal. Siguro ay dahil lumaki siya na hindi mala-fairy tale ang sitwasyon ng mga magulang niya. And it's...