COMIENZO: Kabanata 2

117 5 0
                                    

PAMAGAT I

COMIENZO

Kabanata 2. Pererro

Atty. Yael's POV:

"Ano ang lagay niya, Doktor?" tanong ng isang may katandaang lalaki sa doktor na tumitingin sa akin. Kapwa may pagkabigla at pag-aalala sa kani-kanilang mga mukha.

Pagkatapos ng nakakagulat na pangyayari kanina ay lumapit sa akin ang isang manong suot ang barong Tagalog ngunit hindi ko na natandaan pa dahil nahimatay ako sa sobrang banas (init) ng kinalalagyan ko.

Sino ba namang hindi mahihimatay sa kalagayan kong inilagay sa loob ng kabaong na may sandamakmak na kandila ng nakatirik sa harapan mo. May cotton ka pang nakasaluksok sa ilong sabayan pa ang kati ng damit.

"Nakakagulat ito," sagot ng doktor pagkatapos niya akong pulsuan. Napatingin naman ako sa kanya at siya naman ay napatingin kay Manong na nakita ko kanina.

"Bakit po, doktor?" tanong pa nung matandang lalaki habang ako nama'y nasa isang kama sa loob ng pambabaeng silid na puro luma ang mga gamit. Mukhang nasa isang ancestral house ako.

"Hindi ako makapaniwala na siya'y buhay. Noong huli kong tiningnan ang kanyang katawan ay wala na siyang pulso at hindi na humihinga pa," aniya.

"Teka lang mga ho, sino ba kayo? Tsaka nasaan ba tayo? Tsaka, bakit hindi ka nakasuot ng damit pang-doktor?" pagputol ko ng kanilang usapan dahil maging ako ay naguguluhan na rin sa mga nangyayari. "Pang-doktor, yung puti na mahaba ang tela na nagmumula sa balikat hanggang sa tuhod."

"Mabuti na lamang at hindi ninyo siya pinaembalsamo. Isang milagro ang nangyari sa pamilya ninyo," bulong ng doktor sa lalaki. Kahit ako doktor, milagro rin na buhay ako.

"Rinig ko kayo," saad ko nang paniningkit ng mga mata.

"Maiwan ko muna kayo," pagpapaalam ng doktor sabay labas ng kwarto. Napatingin naman ako sa medyo matanda nang lalaki pagkalabas ng doktor.

"Mister, nasaan ba ako?" tanong ko sa kanya. Napaturo siya sa sarili niya sabay tanong kung sya ba ang tinutukoy ko na akin namang ikinatango bilang tugon. Sino pa ba?

Napakurap na lamang sya at saglit na napatigil. Dahan-dahan syang napatingin sa akin at biglang kuminang ang kanyang mga mata sabay takbo papalapit sa akin at dinambahan ako ng yakap.

"MAN---OOOKKKK--- MANONGG!!!" reklamo ko habang patuloy pinipigilan siya sa pagyakap sa akin nang napakahigpit at halos masakal na ako sa sobrang higpit. Halos malagutan na nga yata ako ng hininga sa higpit ng kanyang pagkakayakap.

"Nagagalak ako sapagkat nagising ka na, anak. Magagalak ang iyong ina sa oras na malaman niyang nagising ka na," bakas sa kanyang boses ang kasiyahan na sobrang nakakailang.

"Mister, sino ho ba kayo?" tanong ko sa kanya na dahilan upang kumalas siya sa pagkakayapos sa akin.

"Hindi mo ako natatandaan?" tanong niya at nagbago ang kanyang emosyon. Ang kaninang napaka-excited nyang mukha ay napalitan ng pagtataka.

"Magtatanong ba ako kung oo?" tugon ko dahilan upang tawagin muli ang doktor. Bakit ba kasi napunta ako sa lugar na 'to? Tss...

"Marahil ay epekto pa rin ito ng nangyari sa kanya. Ngayon lamang kasi ako nakaranas ng isang tao na nabuhay muli pagkatapos ng ilang araw na hindi paggising," sabi ng doktor sa manong na kausap niya.

Napatango naman ito pero nakakaramdam na ako ng inis dahil parang hindi man lang nila ako pinapansin. Kasuhan ko kaya ang mga ito kaso hindi ko pa rin alam kung nasaan ako, langya!

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon