"Ama,"
Dahan-dahan akong sumilip sa uwang na ibinibigay ng pintuan. Pinaunlakan naman ako ng liwanag ng lampara kasabay ng pagtugon ni Don Inoncencio.
Napahugot naman ako ng malalim na paghinga bago ko sya tuluyang harapin. Hindi ko ma-explain pero mas kinakabahan ako sa kanya kahit hindi naman ako ganito sa ibang tao.
"Anong oras na ah, bakit ang pagtulog ay hindi pa dumadalaw sa iyo? Anong dahilan ng iyong pagparito?" tanong nya.
"Naririto po ako hinggil sa inyong desisyon na..." napapatingin pa ako sa kawalan, di matuloy ang aking sasabihin sa hindi malamang dahilan.
"Pagtakbo sa darating na eleccion, hindi ba?" napatango na lamang ako.
"A-alam ko po na... alam nyo na," paligoy-ligoy ko. Ba't ba ang hirap nyang kausapin?
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Nais ko lamang pong malaman ano ang nag-udyok sa inyo na pasukin ang alam nyo na. Ang magulong mundo ng pulitika?"
"Tapos? Anong tugon nya?" dugtong na tanong sa akin ng kliyente ko habang nililinisan ko sya ng sapatos.
"Well, hindi sya sumagot. Ngumiti na lang siya." tugon ko.
"So, anong balak mo? Tutulungan mo ba siya?" dagdag pa nyang tanong.
"Hindi ko alam. Hindi kasi ako pamilyar sa sistema ng gobyerno meron dito. Gayong kolonyalismo ang nilalasap na hangin ng lahat, hindi ang demokrasya."
Napatango naman sya sa punto ko. "Tsaka, sa panahong 'to pa lang isinisilang ang Anthrocentrism. Marami pa ang masasabing mangmang sa panahong ito."
"Alam mo naman kung bakit, hindi ba?" walang imik na lamang akong nagpatuloy sa paglilinis.
"Hari, gobernador-heneral, at ang mga relihiyosong kura ang mga may kapangyarihan sa panahong ito. Iba ang takbo, iba ang sistema."
"Iyan ay kung nakasisiguro ka." natigilan naman ako sa kanyang salita.
Nabaling naman ang aking atensyon nang sandaling matanaw ang kumpulan ng mga tao sa 'di kalayuan.
Dala ng aking kuryusidad, nagtungo ako roon at may hawak ang ilang mga tao ng tila papel at isinusulat ang kani-kanilang mga pangalan.
Kaagad akong napaagaw sa isa na halos makaaway ko pa ang may hawak. "Anong ibig sabihin nito? Ito'y para saan?"
"Hindi namin batid ngunit pinapasabi na ito'y mahalagang punan ng aming mga pangalan." nabahala ako sa aking narinig.
Kaagad kong hinanap ang nagpabigay at tinanong ng kaparehong katanungan. "Ah, iyan ba? Ilagay mo na lamang ang iyong ngalan. Huwag ka na lamang magtanong."
"Anong saysay ng aking pagtanong ko ang tugon na aking inaasahan ay taliwas sa dapat na kahalinahan ng aking tainga?" bira ko sa kanya.
"Kung ayaw mong ilagay pangalan mo, huwag mo ka na lamang magtanong." galit nyang sabi.
"Kaya nga ako nagtatanong para alam ko kung bakit kailangan kong ilagay ang pangan ko."
"Kung magtatanong ka lamang, mas makabubuting itikom mo na lamang ang iyong bibig at huwag na lamang magsagot. Hindi ka kawalan at hindi naman ako ang mawawalan."
Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso at tiningnan nang diretso sa kanyang mga mata. "Anong ibig mong sabihin?"
"Bahala ka."
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Ama," pag-agaw ko ng kanyang atensyon. Natigilan naman siya mula sa pagtulong sa paghahakot ng kanyang gamit sa karwahe.
BINABASA MO ANG
THE GENERAL'S LAW
ActionA successful male attorney finds himself in the body of a young lady, the daughter of the city mayor and up-coming Governorcillo from the late 19th century, Solana Perez wherein he meets the famous outstanding up-coming Brigade General, Atty. Hidalg...