COMIENZO: Kabanata 5

59 3 1
                                    

PAMAGAT I

COMIENZO

Kabanata 5. Congredior

Magbubukang-liwayway pa lang ay gising na kami dahil kailangan naming sundin ang kinaugaliang pagdarasal at maaga pang magtatrabaho si Don Inoncencio. Tawagin ko ba syang lolo?

Habang kumakain ay lumapit sa amin ang mayordoma at napayuko. “Don Inoncencio, wala na po kaming mahanap na bagong criada para kay Senyorita Solana.” Napatingin naman silang lahat sa akin na ipinagtaka ko. Ano raw?

“Hindi ba kayo makakuha o makahanap sa sentro o kahit sa kabilang bayan?” tanong ni Don Inoncencio.

“Mukhang matatagalan po tayo, Señor kung sa kabilang bayan pa po tayo kukuha ng criada at naubos na raw po ang mga criada sa sentro.” tugon ni Mayordoma.

“Sa anong kadahilanan naman, bakit naubos ang criada?” tanong ni Don Inoncencio habang patuloy lamang ako sa pagkain ng matabang na sinigang.

“Ang mga bihasa at magagaling na criada po ay inalok ng mga Cortez ng malaking sahod at maging ang ilan sa ating mga criada ay nais na ring magbitiw sa kanilang tungkulin upang doon manilbihan,” nang marinig ko yun ay napatigil ako't napaisip.

Bakit parang binabara ng mga Cortez ang pamilyang ito? Ano bang kasalanan ng mga Perez sa kanila? Bakit parang dalawang honor student na nagpapagalingan at nagpapaunahan kung sino ang pipiliing maging kagrupo sa isang group activity?

Kailangan kong malaman ang sagot.

°×°×°×°×°×°

“ARAY!” I grunted.

“Kaunting tiis pa po, Binibini. Ang paha (corset) ay hindi pa sakto sa inyong katawan.” Paghihigpit nila habang hindi na ako kakahinga sa sobrang sikip at mukhang nababali na ang mga ribs ko.

“Tama na, please! Ang sikip-sikip na,” sigaw ko habang nakahawak sa aking tiyan dahil sobrang sakit talaga ng paghihigpit nila.

“Tiisin nyo lamang po, ito ay para sa gagawing bistida ninyo sa gaganaping pista ng San Jose. Kailangan ay maging lubhang kaganyak-ganyak ang inyong porma sa gagawing pagtitipon.”

“Pwede bang sikipan nyo naman? Hindi na ako makahinga e. Sobrang sakit na,” pag-inda ko.

“Sikipan pa raw, ang utos ng senyorita.” tila nang-aasar na sabi ng mayordoma't napasigaw ako sa sobrang sakit at tiningnan sila nang masama.

“Hindi ba ninyo alam ang salitang 'Paradox', 'Idioms' at 'Oxymoron' o any 'Figure of Speech'?” asar kong tanong sa kanila.

“Hindi,” walang emosyong sagot ng mayordoma. “Higpitan pa.”

PUT—

“M-mayordoma...” hinihingal na sabi ng isang criada nang bigla nitong buksan ang pintuan ng aking silid. Nakahinga naman ako nang malalim nang sa kanya mabaling ang atensyon ng dalawa.

“Ano iyon, Huli?” tanong ng mayordoma't dahan-dahan ko namang iniaalis ang sarili ko sa pahigpitan ng paha at bestidang gagawin para sa akin.

“Narito na po ang bagong criada ni Senyorita Solana.” tugon nito't muli naman silang napatingin sa akin na akin namang ikinagulat dahil hindi pa ako nakakaalis sa aking puwesto.

“Anong ginagawa ninyo, Binibini?” tanong ng mayordoma.

“Hinihigpitan siguro,” pabalang kong tugon. Hindi ko na makayanan pa ang paghihigpit sa damit na ito. Para akong mamamatay nang matanda na naghihingalo't hinahabol ang paghinga. Ang hirap maging babae!

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon