Altruistic: Kabanata 13

46 1 3
                                    

"Siguro naman, sapat na yan."

"Pitong reyal? Syempre naman." tuwang-tuwa pang saad nito nang maabot ko ang naturang salapi.

"Umalis ka na rito sa San Jose. Gawin mo na yung sinasabi mong pagpunta sa Kuyamis (lumang pangalan ng Misamis Oriental). Ayoko nang makita ang pagmumukha mo." saad ko.

"Basta, kung gusto nyo ulit na mapahiya, sabihin nyo lang sa akin." halos mapunit ang balat sa pisnging saad nito. Kaagad naman akong napakuha ng bakya ko at akmang hahampasin sya nito nang matigilan ako nang makarinig ng ingay mula sa hindi kalayuan.

Kaagad kong pinatay ang sulo ng dala kong lampara at minatyagan ang mga nagsasalitang kalalakihan. Sa munting kumpol ng katawan ng kawayan ay sinilip ko ang mga iyon. Mga guardia sibil. Mga nag-iikot-ikot lang pero wala naman talaga silang kaalam-alam sa gawain nila.

"Mga ginoo," mayumi kong saad sa kanila. Kapwa sila nagkatinginan sa akin. "Naubusan ako ng sulo, mangyari sanang makahingi mula sa inyong apoy?"

"Ano't narito sa gitna ng kakahuyan ang isang binibini?"

"Saan ka na naman nanggaling?" walang emosyong salubong na tanong ng mayordoma.

"Nagpahangin-hangin lamang sa labas." wika ko.

"Alam mo ba kung anong oras na?" bakas sa kanyang mga mata ang inis.

"Wala bang orasan dito?"

"Ganiyan ba ang pagsagot ng isang dalaga? Nasaan na naman ba ang iyong criada? Bakit hindi mo siya kasama?" ramdam sa kanyang tono ang galit mula sa aking pagsagot.

"Huwag mo na siyang isipin," saad ko habang papaakyat na ng kwarto. "O hindi kaya, may gusto ka sa kanya kaya palagi mo siyang hinahanap sa akin."

Iniwanan ko naman siya ng makahulugang ngiti sabay mabilis na pagkandado ng pinto. Baka kasi mamaya nyan, bulabugin na naman nya ako. Matindi pa naman yung magparusa. Feeling nanay, bata naman ang nais.

Sa kalagitnaan ng gabi, nagising ako sa kakaibang kaluskos na nagmumula sa durungawan o bintana. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ngunit pinanatili kong mulat ang aking diwa. Tinalasan ko maging ang aking pandinig. Sinundan ang bawat galaw. Mukhang may gustong sumakit ang katawan sa loob ng presohan.

Sa pakikinig, nasundan iyon ang paggapang sa kisame ng bahay na kahit mataas ay nangingibabaw dala na rin ng masidhing katahimikan ng kapaligiran. Pinanatili ko pa rin ang balangkas ng aking ritmo ng paghinga upang hindi makahalata na gising ako.

Sa bawat paggapang, nakasisiguro akong tao iyon at hindi lamang basta daga. Ang bawat paghangos ay maririnig din sa silid.

Sandaling ipinagdamot ang ingay nang pasimple akong napakamot sa aking dibdib. Hindi ko lamang matiis na hindi kamutin.

Dahil sa bahagyang ingay na aking idinulot ay naramdaman ko na lamang ang pagbigat sa dibdib ko nang sandaling ang kanyang mga papa na ay humalik sa sahig ng silid at inalalayan patungo sa akin.

Nagkubli sa ngisi ang dahan-dahang paggapang ng aking kamay patungo sa ilalim ng aking unan kung saan nakasilid ang rebolber na pasimple kong kinuha sa mga guardia sibil. Angas ko, di ba?

Sa bawat hakbang ay dahan-dahan. Paglapit ng kanyang mga paa sa akin ay ganoon din ang aking kamay sa baril. Tila kapwa nagpapakiramdaman.

Hanggang sa...

Pinaalpas ko ang kumot sa kawalan at nakahanda nang itutok sa kanya ang baril ngunit walang nilalang ang tumambad sa akin.

Kundi ang gumalaw na bintana.

Mabilis kong dinala ang sarili sa gawing iyon at sinipat kung naroon pa rin ang taong iyon. Ngunit bigo ako. Mukhang nakalayo na.

Ang ganitong bagay ay hindi na bago sa akin. Kahit sa panahon ko, ilang beses na akong nalagay sa ganitong sitwasyon lalo na kung ang makakabangga namin ay mga literal na elite.

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon