PAMAGAT 2
ALTRUISTIC
Kabanata 10: Utang na Loob
Don Guillevero's POV:
"Sa darating nang sabado ang pagbubukas ng pagpapalista ng pagtakbo para sa darating na eleksyon, ano ang plano?"
"Hindi ko alam, kaya ko nga kayo pinatawag at binayaran para tulungan ako sa aking eleksyon." saad ko habang hawak ang aking pipa. "Gustong-gusto ko nang makabalik sa ating munisipyo."
"Mahal na Don Platon, kaunting tiis na muna habang nananatiling walang gobernadorcillo ang bayang ito, kailangan nating magkaroon ng mas gandang hakbang nang hindi na muli pang maagaw sa atin ang pagkakataon. Kung kaya't ipinakikilala ko sa inyo si..."
Sabay dating ng isang lalaking may katakarang halos katulad ko lamang. Ang balbas sa kanyang baba ang siyang nagkukubli sa kanyang mga labi. Siya'y pormang animo'y galing sa kaharian ng Espanya. Isang lalaking mas matanda pa sa akin.
Hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinag-aralan ko maging ang kanyang tindig at mukha naman siyang disente at mapagkakatiwalaan. "Sino naman yan?"
"Regio Cariño, Senyor." pagpapakilala nito sabay lahad ng kanyang kamay na akin namang tiningnan lamang.
"Isa siyang pantas na naging tagapayo sa pagkampanya ng ilang mga tumakbong pulitiko sa iba't ibang bayan. Malaki ang maitutulong niya sa inyong pagtakbo. Ang kanyang mga pulitiko ay talagang nanalo. "
"Sa katunayan po niyan, Senyor, hindi pa ako kailanman natalo. Saksi ang mga naging kliyente ko." pagmamalaki nito nang may kalmado pa ring tono.
"Magkano ang iyong nais na isukli ko sa iyo?" isang malapad na ngiti ang tumambad sa akin.
"Limang daang reyal." napatigil ako sa aking pagpipipa dala ng pagkabigla. "Hindi pa kasama roon ang aking tutuluyan, pagkain, at mga kagamitang gagamitin sa kampanya."
"Ngunit, hindi ba malaki iyon?" tanong ng aking maybahay. "Kinakailangan pa namin ng malaking salapi upang maibigay ang ganoong halaga sa iyo. Kaya nga kami tumatakbo para maibalik ang pera at makakuha pa ng iba e."
"Sapat lamang iyon, mahal." pagpigil ko sa kanya sabay muling ibinalik ang tingin sa ginoo. "Pumapayag na ako sa ating kasunduan. Sa oras na ako ay manalo, ibibigay ko sa iyo ang kahit triple ng ating napag-usapan o kahit isang hacienda kung nais mo."
"¡De acuerdo!" saad nito.
Atty. Yael Perez's POV:
"Ano namang katangahan ito?" tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa aking pautot ng isang Platon.
"Isang propaganda, Binibini." umirap na lamang ako sa pagtugon ni Salvador sa akin. Humalukipkip ako.
"Alam ko. Isa yang propaganda o paraphernalia pero bakit naman parola ang nakalagay."
"Sa kanilang hacienda po kasi nakatayo ang parola." napangiwi naman ako sa kanyang pagsagot.
"Porket sa kanila nakatayo, sila na nagpatayo?" napangiti na lamang siya na parang aso. Nang muli kong titigan ang tarpaulin na nakalagay ang pagmumukha ng mag-asawang iyon habang nakalagay sa isang call outs ang mga katagang,
"Alam ba ninyo?
Ang unang parola sa Luzon ng Filipinas ay matatagpuan sa Hacienda Platon. Proyekto ito ni Don Guillevero Platon noong siya ay gobernadorcillo pa ng bayan ng San Jose."
BINABASA MO ANG
THE GENERAL'S LAW
ActionA successful male attorney finds himself in the body of a young lady, the daughter of the city mayor and up-coming Governorcillo from the late 19th century, Solana Perez wherein he meets the famous outstanding up-coming Brigade General, Atty. Hidalg...