PAMAGAT 2
ALTRUISTIC
Kabanata 14: Abogado de Campanella
Warning: Inappropriate content
"Oh, Lucas," walang kabuhay-buhay na pagtawag ni Beneficio kay Ginoong Lucas."Ano ang inyong mga hawak?" tanong niya sa amin at kaagad na pinasalubungan ako ng matamis na ngiti.
"Lumpiang shanghai po, munting ginoo," tugon ko sabay lantad sa kanya ng tinitinda ko. Pagkaalis ko ng telang puti ay tumambad sa kanya ang umuusok pa, naglulutungan, at naggigintuang mga lumpia.
"Magkano po ninyo binibenta ang naturang produkto, Binibini?" tanong ng munting ginoo. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya lalo na ang kanyang malulusog na mga ngiti.
"Naku, Ginoong Lucas, kumuha na lamang po kayo riyan, ito, tanggapin ninyo," alok ko sa kanya na lalo pang ikinalaki ng kanyang mga ngiti. Masigla niya iyong tinanggap at ninamnam ang pagkain.
"Ang sarap po, Binibini, salamat po," puri niya sa akin na akin namang sinuklian ng ngiti. Sa kabilang ng kasiyahan ng munting ginoo ay may isa pang munting ginoo ang tila hindi natutuwa.
Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. Tinaasan niya rin ako ng kilay na akin namang ikinangisi. Muling nagsalita si Lucas. "Panigurado pong magiging mabuti kayong asawa kay Heneral Hidalgo."
Matipid na ngiti na lamang ang ginawa ko na ikinatawa ni Beneficio. "Ano't mag-isa po kayo, munting ginoong Lucas? Nasaan ang iyong mga criada?"
"Naroon po sila sa mansyon, tinulungan ko lamang po ang mga trabahante sa pagsasaka," napatango na lamang ako. "Tanghaling tapat na po, saglit lamang."
"Sige lang," pagpayag ko sabay tango sa kanya.
"Mang Kupling, Aling Dina, Mang..." pagtatawag niya sa iba. "May dalang pagkain ang senyorita, halikayo't magsikain."
Nagulat naman ako pero kaagad na lumingon sa akin si Lucas. "Huw apo kayong mag-alala, nagbabayad po sila."
Isang matamis na pagkindat naman ang natanggap ko na akin namang ikinangiti. Nagsilapitan naman sa aming direksyon ang mga magsasaka at kanilang binili ang paninda ko na singbilis ng paglipas ng oras itong naubos.
Lumpiang shanghai. Wala talagang makakatalo sa lumpiang shanghai pagdating sa kutkutin, handa sa birthday, pulutan, ulam, o kahit snacks lang. Lumpia derived from Hokkien words "lun" na ang ibig sabihin ay "moist" o mamasa-masa at "pia" na ang ibig sabihin ay "pastry" o pastelerya. Kahit na hindi sya galing sa Shanghai, ginamit pa rin ang term na yun bilang "twist" sa impluwensya ng Tsina sa pagkaing ito.
"Nasaan ang sinasabi mong koneksyon?" mapanghamon kong wika kay Beneficio. "Dinaig ka pa ni Lucas sa tinatawag mong 'koneksyon'."
Napaismid naman sya nang dahil dun. "Umiral pa rin naman koneksyon ko, kaibigan ko si Lucas e."
"Tsk, kaibigan," panimula kong may pagdududa. Kaagad ko siyang kinutungan nang dahil dun. "Wag ako, bata. Sa mga tingin at pagsasalita mo palang sa kanya, halata namang may lihim kang galit."
"Ang iyong opinyon ay hindi ko kailangan sa kasalukuyang ito," wika niya na kaagad niyang ikinatahimik habang kapwa namin tinatahak pauwi ng mansyon.
"Binibini," pagtawag sa amin ng isang pamilyar na tao sakay ng isang kalabaw na may hinihilang rampahan o karita, si Mang Kupling.
"Sumakay na ho kayo rito, baka mapaano pa kayo sa daan," alok niya na amin pa sanang tatanggihan ngunit sumakay na si Beneficio. Sinenyasan nya na lamang ako sa tingin na sumakay at umupo sa karitang lapad.
BINABASA MO ANG
THE GENERAL'S LAW
ActionA successful male attorney finds himself in the body of a young lady, the daughter of the city mayor and up-coming Governorcillo from the late 19th century, Solana Perez wherein he meets the famous outstanding up-coming Brigade General, Atty. Hidalg...