Altruistic: Kabanata 12

33 2 0
                                    

PAMAGAT 2
ALTRUISTIC

Kabanata 12: Emboscada

Don Platon's POV:

“Kay aga naman nating magtutungo roon. Ako'y tinatamad pa. Naroon na ba sila?” may pagsusungit na tanong ng aking maybahay.

Sinuot ko ang isang makapal na damit at naghanda sa tutunguhing pakikipagkita sa mga tao. Mayroong inihandang pagsasama-sama ang aming mga kapartido. Nais akong makita ng nga tao.

Malaki ang kanilang gampanin sa aking pagtakbo gayong wala ako kung wala sila. Ang mga kaibigan kong insulares ang mga nagsilbi kong pundasyon sa nilalasap ko ngayong kaginhawaan. Kailangan kong galingan ngayong eleksyon dahil sayang ang kanilang ibinigay sa akin kung mangyayari mang matalo ako.

Sa kanila ako nakaasa ngayon, sa kanila ko rin naman aasahan ang mga gawain kapag ako ay naupo na.

“Alam mo naman kung gaano kahalaga ang pupuntahan natin, hindi ba?” napangiwi naman sya sabay sumakay na sa loob ng karwahe.

Pagpasok ko ay hindi niya ako pinansin. Ni tiningnan man lamang habang katabi ang isang indio. Abala lamang siya sa pagpapaypay ng kanyang mayuming mukha. Tila nagtatampo.

Hinayaan ko na lamang ang kanyang pagtatampo habang kami ay tumatakbo. Kilala ko siya. Alam kong may iba syang nais ngunit mamaya na lamang namin gagawin iyon. Kahit ako'y sabik na rin na makauwi.

Habang nasa daan, nakaramdam ako ng panganib. Ang kakaibang pinapahiwatig ang bawat paggalaw ng nga talahib na aming nadaraanan. Animo'y mga mga nakamasid ngunit hindi namin napapansin.

Hanggang sa...
   

Atty. Yael's POV:

“S-solana...”

Nauutal pa nyang pagbanggit ng pangalan ko. Kaagad ko namang inilabas ang aking pamaypay at kinubli ang kahati ng aking mukha. Ang aking mga mata ay nakapako sa kanya. Inaangkin ang kanyang atensyon.

He croaked and fix his voice. “B-binibing Solana, ano't naparito ka?”

Mayumi kong nilakad ang kanyang direksyon at tumigil sa kanyang harapan. Natigilan ako nang maamoy ang kanyang pabango. My body wants it.

Hindi ko na lang pinahalata.

“Hindi mo ba nais na masilayan ang iyong nobya? Kung gayon, sayang lamang pala ng pagtungo ko rito at pagluto ng tinola. Sayang lamang pala ang pagtungo natin dito, Lorena. Tayo'y umuwi na lamang.” may pagtatampo sa tono kong saad.

“Ah, Binibini...” nilingon ko sya. Isang matamis na ngiti ang aking nilantad.

“Saan kayo galing?” salubong na tanong sa akin ni Salvador. “Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ng binibini. Kanina pa kayo ipinapahanap ng mayordoma.”

Kinalabit naman ako ni Lorena. Hindi ko sya pinansin. Nilampasan ko na lamang si Salvador at tinungo ang silid ng Don.

“Nasaan si ama? ”

“Nagtungo sa pinapatayo ninyong tulay.” tinalikuran ko ang silid at tinungo ang naturang lokasyon.

“Solana...” salubong nito sa akin. “Ano't naparito ka?”

Hindi ko sya kaagad na sinagot. Pinanood ko muna ang mga anluwage (karpintero) habang itinatayo ang tulay.

“Kailan ang ayos po nito? Akala ko ay dapat tapos na ito noong nakaraan pa.” mataman kong tanong.

“Hindi naman kailangang madaliin ang proseso ng pagtatayo nito. Kailangang mabusisi upang makapagpatayo ng isang matibay na tulay. Baka, sa pagmamadali mo, imbes na para sa kaginhawaan ng nakararami ay maging bangungot pa nila.”

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon