Altruistic: Kabanata 11

19 1 0
                                    

PAMAGAT 2

ALTRUISTIC

Kabanata 11: Tiktik

Atty. Yael Perez's POV:

What's your plan, Cortez?



I need to know your planning for this election. I badly need to know para alam ko kung ano ang susunod kong aksyon.

Hindi dapat magpadalos-dalos. Hindi dapat magpahalata. Mahalata man ay kailangang masolusyonan kaagad. 

Ito ang reyalidad sa pulitika. Kung gusto mo ng kapangyarihan, kailangang may buhay ang handang ialay. Hindi lang basta-basta dahil sa kasikatan at pera, kundi sa katagalan na kailangang manatili.

Sa oras na maipanalo ko ang senyor, makasisiguro akong marami akong perang malilikom at sa oras na mangyari yun, ako naman ang susunod na mamumuno ng bayang ito.

Hindi ko man magawang makapangyarihan sa kasalukuyan, kahit dito na lang. Besides, one of the benefits of being gobernadorcillo is he will be the judge of the whole city, which has been my dream ever since.

"Maaari bang sumisid?" natigilan naman ako sa aking pag-iisip nang tumabi sa akin si Fraron, ang kuya ni Solana. Pinagmasdan ko ang kanyang sitwasyon. Nakaupo sa isang gawang-kahoy na wheelchair. "Ang lalim ng inisip mo."

"Wala ito." tugon ko. "Nais mong ilibot kita sa plantasyon?"

"Paano ka nga pala nalumpo?" tanong ko habang binabaybay namin ang taniman ng bulak. "May polio ka ba? Uso kasi sa ganitong panahon ang ganoong sakit. Madali lang naman ang gagawin kung naagapan lang sana."

Hindi naman siya nakaimik. Did I offend him?

Binaling ko na lamang ang aking atensyon sa kapaligiran. Napakaganda ng araw. Walang bahid ng pagbabadya ng kasamaan ng panahon. Ang hangin ang syang nagsisilbi naming kalasag sa araw na nagpapakitang gilas. Para talaga akong nasa bakasyon.



"Hindi pa rin kasi bumabalik ang alaala ko. Wala akong alam sa family background natin tsaka ng iba pang malapit." pagdadahilan ko. Marunong naman syang mag-English, nakita ko na kasi ang mga binabasa nya. Halo-halo. May Pranses, Italian, Aleman, Ingles, Spanish, at Catalan.

Hindi pa kasi nilalantad ni Solana sa akin ang lahat. Sinusubukan ko syang kausapin gamit ang pagmemeditate pero hindi ko mahagilap ang kanyang diwa. Mukha mang kabaliwan ang pinaggagawa ko pero nakapunta pa nga lang ako rito ay isa nang malaking kabaliwan.

"Halata nga." wika niya. Hindi ko alam ang susunod kong isasagot. "Pati ako hindi mo na kilala."



"Paumahin." tipid kong wika.



"Nagkikita pa rin kayo?" napatigil naman ako. "Huwag ka nang tumugon. Alam ko na ang idadahilan mo na naman."

"Hindi pa nga ako nagsasalita." sabi ko. 

"Mas matanda ako ng ilang taon. Wala ka ring maiilihim sa akin. Batid ko na bawat pag-alis mo at kilos mo. Ang patulong mo kay ama sa kanyang pagtakbo. Hindi mo ba alam na maaari mo syang dalhin sa kapahamakan? Hindi mo yata iniisip ang panganib na dalang dulot ng iyong paghimok."



Napangisi namna ako nang bahagya. Hindi nya ko naman sya masisisi kung iyon ang nasa isip nya dahil totoo naman. Pero, si Atty. Yael Perez 'to. Napakarami ko nang nahawakan at naprotektahang mga pulitiko, elitista, at malalaking pangalan. Alam ko ang karamihan sa mga hakbang nila. 



THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon