COMIENZO: Kabanata 6

46 2 1
                                    

Pamagat I

COMIENZO

Kabanata 6: La novia y el cadáver

"Narito po ako upang puntahan ang aking nobya."

"Sino, p're?" napatingin naman silang lahat sa akin nang dahil dun. Nakalimutan ko, nasa katawan nga pala ako ni Solana. Santesima! Ako nga pala.

"Kayo po ang tinutukoy ng inyong uyab." ang sabi ni Don Innocencio na may halong makahulugang ngiti na hindi ko mahinuha ang nais nyang isaad.

Nang dahil doo'y kapwa kami nagkatitigan lamang nang ilang segundo at tila umabot na nga yata ng minuto. Hindi ko maintindihan ang uyab. Binaliktad ba yung 'bayo'?

.....

"Hindi ko akalain na sa inyo pala nagpupupunta ang aking hija sa tuwing siya'y lilisan sa aming tahanan." sabi ni Don Innocencio habang kaming apat ay nakaupo sa harap ng lamesa at kumakain ng dalang pagkain ni Hidalgo.

"Heneral." pamumutol ni Don Inocencio nang mapansin sigurong may kakaibang titig sa akin si Hidalgo Cortez. Hindi ko mapigilang hindi mailang sa pagtitig nya sa akin. Dati, ganun ang tinginan ko tapos ngayon, ako naman ang tinitingnan ng ganun, nakakaasiwa.

Gusto ko syang sabihan ng, "Hindi tayo talo."

"Ipagpaumanhin po ninyo patungkol sa ganoong ginagawa ni Binibining Solana, Don Innocencio. Hindi ko batid na siya'y tumatakas mula sa inyo." excuse ni Hidalgo at muli na naman niya akong tiningnan. Kailang!

"Maidagdag ko po lamang, nais ko po sanang huwag na muna ninyo akong tawaging heneral sapagkat hinihintay pa ng aking Papa ang kapistahan ng ating bayan upang maitalaga ako bilang isang ganap na heneral."

"Ganoon ba? Tayo'y magkasundo. Hindi muna kita tatawaging Heneral subalit ako'y tawagin mo na lamang na Ama." pakikipag-deal ni Don Innocencio.

Napahawak na lamang ako sa aking noo at napabuntong-hininga dahil sa sitwasyon kong tila pang-nobelang nakakasuka na. Paulit-ulit na lamang.

Forced marriage or commonly known as arranged marriage has no specific law prohibiting this kind of act but this might be under human trafficking. 

Ano bang dapat kong gawin? Isip... isip... Solana este Yael.

-----

"Maaari naman po sigurong ipagpaliban na muna natin ang kasal, masyado naman po tayong nagmamadali." mahinahon kong sabi sa kanila habang hindi pinapakawalan ang ngiti sa aking mga labi.

"Ngu--"

"Kagagaling ko lang po kasi sa kakaibang pangyayari kung saan ay ibinalik po ng Panginoon ang kaluluwa ko sa katawang ito, alam nyo na po, baka bawiin niya ulit sa akin. " pagdadahilan ko habang sa isip-isip ko, baka makabalik lang ako sa katawan ko.

Napalapit naman ako kay Don Inocencio na noo'y umiinom ng kape at minasahe ang kanyang likuran. "May nabasa po kasi ako na kapag ang isang tao ay nabuhay mula sa pagkamatay, minamalas daw po kaagad kapag may ginagawang kakaiba. Sige kayo, baka tuluyang malugi ang ating negosyo kung hindi ninyo susundin ang pamahiin."

"T-talaga?" napatango naman ako. Dahil nga nasa 19th century ako, napakarami ng tao ang relihiyoso at madaling mauto rito. Marami rin ang naniniwala sa pamahiin kaya nakakasiguro akong maniniwala siya. Sana.

"Mahal ang gagastusin sa kasal, magkakatay pa tayo ng ilang baka at kalabaw panghanda, ang aking damit at ilang gamit ay ganoon din. Ang perang ipapambayad nyo sa ganon ay mas makabubuting ipunin na lang natin at gamitin upang mas mapaunlad natin ang ating negosyo."

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon