Altruistic: Kabanata 9

27 3 0
                                    

"Nandito ka rin pala."

Bahagya akong napahakbang papalapit sa kanya, malapit sa altar. "Hanggang ngayon, palaisipan pa rin ba kung sino?"

Nakita ko naman ang kanyang munting pagtango. "Hindi ko batid kung ang lahat nang ito'y planado o hindi." 

Napatingin naman ako sa kanya. Nakapinta sa kanyang mukha ang kaguluhan ng isipan. Nakaramdam ako ng panghihinala dala marahil sa kawalan ng tiwala sa lahat ng tao.  "Base naman sa kaganapan, obvious namang planado ang lahat."

"Paano mo naman iyon napagtanto, Binibini?" tanong niya na akin namang ikinabuntong-hininga dala ng pagkasiphayo.

"Akala ko ba matalino ka?" namuo naman ang kurba sa kanyang mga labi. "Edi i-solve mo."

"Hindi ko batid na marunong ka palang mag-Ingles, Binibini." nakangiti niyang pagkatanto. Akin naman siyang sinamaan nang tingin dahil sa kanyang mga tingin nakakailang. Akala nya siguro'y mabibighani ng katulad niya ang lalaking katulad ko. 

Excuse me, hindi kami talo. Kung yung ibang babae, nabibighag niya sa ganun, ibahin niya ako. Lalaki ako.

"Ang banas!" inda ko sabay labas ng pamepe (pamaypay) ko. "Magyabang ka nga para naman magkahangin dito."

Natigilan naman ako nang bigla syang sumipol. "Sabi ko, magyabang, hindi sumipol, loko."

"Ganoon nga ang aking ginawa." natatawa niyang saad.

"Ayawan (Ewan) ko sayo. Hirap mong kausap. Buti na lamang at hindi tayo nailubid ng simbahan kung hindi, naku!" paghihimutok ko sa kawalan.

Bigla syang lumundag at bumulaga sa aking harapan at sumulyap ang ngiting palakang nakakainis. "Nagsisisi ka ba?"

"Nagsisisi saan?" tanong ko.

"Sa kasal natin." natigilan naman ako. "Sa ating pag-iisang dibdib na hindi natuloy."

Ako? Magsisisi? 

E halos magpapiyesta nga ako nung di natuloy e. Di ko lang magawa kasi may burol. Ang weird naman kasing tingnan na ang saya-saya ko tapos nagluluksa ang nasa paligid ko. Edi nagmukha akong kontrabida at ako pa mapagkamalang pumatay sa matandang yun. 

Napasinghal naman ako. "Kapal naman nito."

"May sinasabi ka ba, Binibini?"

Bigla naman akong nailang nang tawagin akong Binibini. Lalaki nga ako, bakit ba binibini dito. Argh!

"Ang sabi ko, ang kapal naman nito," sabay turo ko ng sahig at tinapaktapakan. Kapwa kami natigilan ng may mapansing kakaiba. 

Kaagad siyang tumayo at kumuha ng kandila malapit sa tabernakulo ng simbahan sabay itinapat sa inaapakan kong sahig.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko pero hindi siya tumugon. Kanyang ipinahawak sa akin ang kandila at itinapat ang tainga sa sahig.

Napatingala naman ako. Napagpasiyahan kong umakyat patungong belfry ng simbahan. "Saan ka tutungo?"

Hindi ko na lamang sya pinansin bagkus ay tinungo ang nabanggit na lugar. Nakasalubong ko ang isang sakristan. Napayuko na lamang sya nang magtama kami ng tingin.

Nang marating ang lumang-lumang kampana. Binaybay ng aking palad ang naturang bagay at dinama ang tunog nito. 

"Ayos mo. Baka may makahalata sa atin dito." mula sa hindi pamilyar na boses na lalaki. Hindi ko makita ang kanyang mukha. 

Dala ng kuryusidad, napahakbang ako papalapit sa kanilang kinaroroonan. Napatigil naman ako nang makaramdam ng kakaiba mula sa aking paanan. Doo'y tumambad sa akin ang malapot na likidong dahan-dahang umaagos patungo sa akin. 

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon