COMIENZO: Kabanata 1

146 6 1
                                    

PAMAGAT I

COMIENZO

Kabanata 1. Venio


Warning:

May contain some form of sexual theme

Present Day



"Mister!" sigaw ng kung sinong animal mula sa likuran ko habang naglalakad ako palabas ng building after ng court meeting. Hinarap ko siya sabay napahalukipkipng kamay at may supladong tingin.

"ATTY. YAEL PEREZ, Atty. Flores, please take note of that. If hindi mo pa rin matandaan, I can post a large billboard in front of your house para naman maalala mo ang pangalan ko. Ilan ba ang gusto mo? Kaya ko kahit isandaan pa. Mura lang naman ang pagpapagawa ng billboard."

"Yabang...." narinig kong bulong niya. He's Atty. Flores, my batchmate when we were in college. Matagal nang mainit ang dugo namin sa isa't-isa dahil palagi ko siyang nalalamangan.

"Anyways, Atty. Yael Perez, I am here para i-congratulate ka para sa kaso natin kanina. Hindi nga kataka-taka na ikaw ang naging Top 1 sa bar exam natin." I smirked.

"Tss, honestly, that bar exam is way easy than I thought. Aside from that, hindi ko na kinailangan pang mag-review before the exam. E ikaw? Anong nakuha mo? I have heard na nag-cheat ka. How can you do that?" sabi ko.

"Huh! Ang yabang mo talaga, e 'no?" ramdam ko ang pagsisimula ng ningas sa kanyang isipan. Nakakamiss naman ang sandaling ito. 

"Yabang? Hmmm.... 'Di na bago yun sa akin." I looked at my wrist watch and said, "By the way, kung wala ka nang masasabing mahalaga, iwanan na kita. I need to go, alam mo naman siguro na ayoko sa lahat ng nasasayang ang oras ko lalo na sa kasayang-sayang na tao."

Nginitian ko sya nang may halong pagkasarkastiko sabay alis sa harapan niya't nagsimulang humakbang papalabas ng building. Hindi ko na lamang pinansin ang pag-alingangaw ng kanyang sigaw sa labas ng korte. Kawawa naman, tss.



"Nice work, Attorney! " puri sa akin ng aking client. "Totoo ngang ikaw ang nararapat lamang na humawak sa kaso. Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo."

Ako pa ba? Easy lang naman ang kasong yun. It's a rape case which is, ang pinagtanggol ko ang criminal. The son of a tycoon. Kay daling isahan ng opposition. Alam kong malaki ang chance na sumabit ako sa kaso kong yun pero I am Atty. Yael Perez. I have no cases na hindi ko pa naipapanalo that's my I have my own firm due to my success and walang puwang ang mga mahihinang nilalang sa firm ko. 

And here is my favorite part of this job...

"Dahil naging successful ang aking kaso... I have a reward for you," sabi niya at sumenyas sa kanyang mga bodyguard. Umalis ang bodyguard at pagbalik ay dala ang isang suit case. Pagbukas ay tumambad sa akin ang limpak-limpak na pera.

"Thank you, Sir!" sabi ko habang hindi pa rin makapaniwala sa mga natanggap na regalo. This is my favorite part ng pagiging abogado. May bonus na binibigay sa akin ang mga client. Ewan ko na lang sa iba.

May ginawa lang kami para mapawalang sala ang nasasakdal, I mean, my client. Kasama na sana dun ang pagbabayad namin sa biktima para mapawalang bisa ang kaso pero tumanggi kaya gumawa ako ng iba at yun ay ang pagbaliktad sa biktima.

THE GENERAL'S LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon