Chapter 4

3.5K 128 25
                                    

"Next month,"

Nanlalaki ang mata kong tinignan ang mga magulang ko. Kailan pa ba sila nag-usap at hindi naman gulat ang mga magulang ko sa binalita noong mama ng kaharap ko.

Next month? And here I am thinking that I have years to prepare myself!

I lightly tap my mom's arms to get her attention, siya ang katabi ko pero abala siya sa pakikipagtawanan.

"Ma," mahinang pagtawag ko kaya humarap na siya sa akin. "Ma, I thought—"

"The time isn't a problem, I already talked if they can prepare a grand wedding within a month. It's fine as long as the couture—"

Hindi ko alam kung anong uunahin ko! Grand wedding? Sa isang buwan? Grand wedding ang gusto? Am I not dreaming? Pakigising na ako, I am overwhelmed that she likes me for her son. Pero hindi ba masyadong mabilis?

"What do you think, iha?" sinserong ngiti ang ibinigay niya sa akin. I look at my mom at sinenyasan niya ako ng sumagot gamit ang pagtango.

"Uh... I-I'm not a fan of grand celebration tita.." Now, I'm even stuttering! Bakit hinayaan ako nila kuya na sumalo mag-isa sa kanila? Didn't they thought that I have no idea about this?

Dad chuckled, "Oh! I almost forgot. My daughter isn't fond of big celebrations, even in her 18th birthday. Hindi siya nagpa-party," paliwanag ni papa.

Hinintay kong magulat sila sa sinabi ni papa, but they didn't. They just laughed heartily at nagpatango-tango. I bit my lip. Hindi man lang ako nagkaroon ng ideya na ganito na. Nagpadalos-dalos ba ako? Hindi ba sila iyon?

"Reese is contented with hanging out with her brothers, she's doesn't even enjoy strolling around the mall for shopping," natutuwang pahayag ni tita. Binubugaw niya ba ako?

Bawal naman akong lumabas na walang kasama kaya paano ako magiging gala? And about what tita said, that's the last time we went shopping at nakasunod lang ako sa kanya. She asks me of what I want at wala lang ang naging sagot ko. I did enjoy accompanying tita but there's no reason para pilian niya ako ng mga dress na hindi ko naman hilig.

"Let's prepare a simple wedding, then." Mom interjected. "So my daughter won't feel pressured," natatawang dagdag niya pa.

Pinigilan kong ibuka ang bibig ko. But I am being pressured!

I can't believe this, why do they look so okay with this? Porket ba sinabi kong ako na lang ang sasalo sa arrange marriage ay ganito kabilis?

Mas matagal pa iyong pag-iisip nila noong may field trip kami noong 2nd year highschool ako! I asked permission to join months before the fieldtrip but they just agree a week before the event. I lost my interest, kung napilitan lang silang payagan ako ay huwag na lang. That's why I never joined fieldtrips, ayaw kong mamilit.

Thankful to my brothers, iginagala na lang nila ako tuwing wala akong pasok dahil nasa field trip ang mga kaklase at guro ko.

"Is that okay with you, son?" Ngayon lang nagsalita muli ang ama ng kaharap ko. At ngayon ko lang din naalala na sangkot nga pala rito ang kaharap ko.

He glanced at his parents first before turning to me, "Whatever she wants, I'm in," his baritone voice seems to dominate the table between us.

Parang may bumara sa lalamunan ko kasabay ng muling pagbilis ng tibok ng puso ko, I'm nervous alright. Kanina pa ako hindi mapakali kakaisip ng mga desisyon ng magulang namin, and here he is looking emotionless and unbothered. Kung hindi pa siya itinanong ay iisipin kong hindi talaga siya iyong... basta...

Nakatitig lang siya sa akin ngayon. I don't know what's up to his mind right now, napatingin ako sa gilid ng labi niya na parang may pasa. Umiwas ako ng tingin.

"That would be so much easier to prepare," sabi ng mama niya. "Let's move the date, then."

Nagsitanguan naman sila. Hindi ako nakitango, hindi ko pa rin maisip kung totohanan na ba ito... isa pa itong sa harap ko, sino ba talaga siya?

"Let's make it to last week of the month,"

Napaubo ako. Mom immediately handed me the table napkin, agad ko iyong tinanggap at tinakpan ang bibig ko. Nang mahimasmasan ako ay saka ko lang napansin na nasa akin ang tingin nila.

"Are you okay, Reese?" tanong ni tita. I tried to smile bilang tugon.

Last week of the month? That's two weeks from now! Why are they so excited? Nakasama pa ang pagsabi ko ng ayaw sa engrande.

The rest ay nagsabi na sila ng mga detalye tuald ng damit, lugar at kung ano-ano pa. It's weird to hear that her mother is more than prepared maski flavor ng wedding cake ay alam niya na. Hindi ko talaga alam kung anong dapat isipin at maging pakiramdam ko.

--

Nagpaalam ako sa kanila na lalabas muna ako. At ngayon nandito ako sa may harap ng pool, napayuko ako at inilagay ang dalawang palad sa mukha.

Ahhhhhhhhhhhhhhh! I silently yelled between my hands.

Muli akong tumungo at lumapit sa upuan, wala na bang bawian iyong kanina? Hindi ko naman alam na ilang tulog lang pala ang ibibigay nila. I thought of the years I have to prepare or even let my parents change their mind pero ung isang buwang preparation naging dalawang linggo pa.

"Are you okay?"

Agad akong natigilan sa pwesto ko. His voice is slightly different from the coldness he used to have. Hindi ako lumingon sa kanya, marahan lang ako tumango.

Ramdam ko naman ang mga yapak niyang papalapit sa akin. It feels like every step towards me is adding to my heart beat, siguro nga kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. I am still currently confused and weirded out with the situation.

From the side of my eyes, I saw how he put his hands in his pockets and turned to the direction where I'm facing. Wala namang makikita sa harap namin, pero pagtumingala ka ay kita na ang buwan dahil sa papalubog na araw.

I don't have plan to talk, but at this moment I feel like I need to. Sa palagay ko ay mas makakahinga ako ng maluwag kung hahayaan ko muna ang sarili kong magsalita.

"..Ikaw?" panimula kong tanong. "Don't you feel rushed?"

Tumikhim siya. "You didn't knew about it," pahayag niya na tila ay may natuklasan siya.

Kumunot ang noo ko, so that's why he wasn't shocked? Alam niyang ganito kabilis?

"I'm still studying," sagot ko. "I thought they would let me finish my studies first," pag-amin ko.

Nakatingala lang ako sa langit, hindi siya hinaharap. The sky is getting dark now, matagal pala ang ang naging usapan sa loob. I'm too confused to even notice.

"I'll let you study after marrying me," sagot niya pagkaraan ng ilang minuto. I'm not even expecting him to respond anymore. "If that's what you're worried about,"

Napabuntong-hininga ako. Yes, I'm a little worried about that. He's already working, I'm sure about that kahit wala akong alam sa kanya. Panigurado namang sa kompanya nila siya nagtatrabaho. Saan pa ba 'di ba?

But at some part of my heart, I felt more relieved that he speak to me this way...it feels... assuring.

"I.. " Nag-aalangan akong sabihin. Tumingin siya sa akin."I honestly don't know your name," Agad akong napayuko nang sabihin ko iyon. Nakakahiya...

Napansin kong natigilan siya.

He shook his head and smirk, "Sawyer," he answered and left.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon