Mr. Fuentes (Reese and Nathan's dad)
Napapikit ako ng maramdaman ang init mula sa balat ng anak ko. My daughter has fever again. Mabilis kong inabisuhan ang mga katulong, nagpapahinga pa lang ang asawa ko sa kwarto. I called our family doctor.
"Why is my sister sick again, papa?" Nathan asked, he's 9 years old.
I sighed.
Binitawan ko ang panonood sa asawa kong nakatulugan ang pag-iyak katabi ang anak naming babae dahil sa pag-aalala. I tapped my son's head and accompany him to his bedroom.
"You should sleep early, son. We wouldn't bare seeing both of our children getting ill, alright?" I calmly said as I tuck him in his bed.
Tumango ito at nagsimula nang matulog.
Hindi naman malala ang lagay ng bunso namin, but our doctor also reminded us that we should be extra careful with her dahil hindi biro ang mabilis na pagkakasakit nito. She's easy to catch colds, coughs and high fever. Her immune system is too weak.
"Rosetta! Drink your meds," I heard my wife speak.
Napalingon ako sa anak kong nagtatago sa likod ng sofa sa sala. Napabuntong-hininga ako, ever since we noticed that she easily get sick. We have been strict to what she eats and my wife almost buy all the possible vitamins she could get. Sinabi ko naman sa kanya na kung ano ang advise ng doctor lang ang kailangan, she knew it's the right thing but our daughter isn't really fond of taking it.
"Reese, my princess," I called. Napaharap ang asawa ko sa akin at mabilis na tumakbo ang anak namin sa akin. "Did you drink your vitamins and meds, already?"
"Nainom ko na 'yung vitamins ko papa e," she pouted. Kinuha ko sa asawa ko ang gamot para sa ubo niya, hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ismid nito sa akin.
I chuckled and face our daughter, "Para sa ubo mo naman ito,"
"Bakit kasi doble-doble papa?" She lifted her face to her mom. "Bawal bang isa lang, mama? Mapait kasi e," She asked innocently, thinking her mom is the reason why she has to take these.
Nagkatinginan kami ng asawa ko bago napabuntong-hininga. She almost get used to drinking meds because of getting sick but instead to getting used to the taste she just get used to us telling her what she needs to do.
"Ma, Can I go to the playground?" I heard my daughter asked her mom.
"You cannot go outside, anak. Baka magkasakit ka pa. I'll call your Kuya Chase to pick you up here, instead." I hear my wife said. "Go tell your papa." Tumango ito.
Tumikhim ako at humarap sa akin ang asawa't anak kong babae. "Why?" I asked my daughter.
"Pupunta ako kila tita papa, nag-aaral si kuya. He can't be disturbed." My ten-year old daughter answered, tumango naman ako. My sister-in-law is too fond with my daughter as well. She smiled and kiss us in the cheeks.
My daughter never gave us a headache, kahit palaging nakalaro sa kanyang cellphone ay hindi napapabayaan ang pag-aaral, she always obey and always wanted to hear what we want instead of hers.
"Nathan, bantayan mo si Reese baka lumusong sa dagat mag-isa mamaya," I told my son as I saw Reese playing with her phone. Baka lang maisipan ng anak ko, but I know less likely to happen.
Umangat naman ang ulo nito sa akin, "I was asking her papa, balak atang maglaro lang ng cellphone magdamag," aniya.
Tumango na lang ako. I can't deny that we indeed became strict with our daughter, and her hobby became playing with her phone. Walang interes sa mga karaniwang kinahihiligan ng mga kaedaran niya tulad nang pagkokoleta ng mga damit at bag. Even with clothes, she prefer the simple ones.
BINABASA MO ANG
Free the real feels (Completed)
Romance"I'm still studying," sagot ko. "I thought they would let me finish my studies first," Nakatingala lang ako sa langit, hindi siya hinaharap. The sky is getting dark now, matagal pala ang ang naging usapan sa loob. I'm too confused to even notice. ...