Special Chapter

3.3K 106 28
                                    

Naimulat ko ang mata ko nang makaramdam ng gutom, pati kasi panaginip ko pagkain na. I heave a sigh and push myself up, but my husband's arms unconsciously held my waist tighter from the back.

Imbis na bumangon ay umikot ako paharap sa kanya.

"Hubby..." I whispered, staring to his closed eyes, waiting those two to open.

He didn't respond. Ilang beses pa akong umulit pero tanging hum lang ang isinagot niya, sa nagsisimulang pamumuo ng inis ko-tinapik ko na ang braso niya.

Finally, he wake up.

His knitted brows went to me, "Why, baby?"

"I'm hungry, kanina pa kita ginigising." I stated, little annoyed.

Confused, he look behind me where a big window is covered with a large curtain. You can guess if it's night or day just by judging the color of the curtain. Obviously, it's still midnight. Hindi siya nagsalita, pero umisod siya para abutin ang digital clock sa tabi.

"It's 1 am. We also had dinner," aniya, tila kinakalkula ang sitwasyon habang ibinabalik ang orasan.

I tsked when I realize he wouldn't care if I'm hungry. Lately, nakakainis 'tong si Sawyer. Hindi ko maintindihan, basta.

Tuluyan akong bumangon, hindi na siya hinarap pa. I quickly wear my slippers not minding his watchful stares combined with utter confusion.

Marahan akong lumabas at kinapa ang ilaw para hindi madilim.

"Wife, where are you going?"

Hindi ako sumagot.

Deretso kong tinahak ang kusina at binubuksan ang mga dinadaanang ilaw, I heard his steps from the back but I didn't mind. I went straight to where the fridge is and opened it. Fruits. Hindi ko gusto.

Napasimangot ako at humarap sa kanya.

Mapungay ang mga mata nitong nakaharap sa akin, gustong-gusto pa pumikit habang naglalakad palapit.

Napaupo ako sa high chair ng island counter at napasubsob. I remember the dessert we ate the first time we celebrated our anniversary together. Gusto ko agad bumalik doon, that's already months ago but we weren't able to visit again due to changes of schedules.

"What food do you want, baby?"

I slowly lifted my head and turned to him. Yumakap ito sa akin mula sa likuran, resting his head on my shoulder. He's clingy.

"Macapuno." I answered. "Remember the dessert we ate at our anniversary date?"

He hummed.

"The Panna Cota?"

Tinulak ko siya ng marahan at tumango. I smiled, "Yes. I want that."

"Alright, I can make one."

Mabilis ko naman siyang pinasimula, he groaned a little before he wake himself through washing his face. Pinagmasdan ko siyang punasan ang mukha at kamay sa nakuhang tissue sa gilid.

He went to the pantry, sinundan ko siya. Kumuha siya ng ilang ingredients, buti na lang at may macapuno in a jar dito. He promised to try making one for me when I told her how much I loved the dessert we have tried, ngayon lang matutuloy.

Nilibot ko ang tingin para mahanap ang kung ano man ang magustuhan at nakita ko ang mustard.

"Hubby, 'yung mustard din."

Kunot noo niyang kinuha iyon at inabot sa akin. Akmang may sasabihin siya nang tinikom na lamang niya ang bibig at dumeretso para magsukat. I watch him do his work while I ocassionaly pinch a pea size amount of mustard to taste.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon