Pilit kong minulat ang mga mata ko dahil sa tumatagos na sikat ng araw sa bintana. I was about to lift myself when a heavy thing is encircled to my body.
Ilang beses akong nagpakurap-kurap nang humarap ako sa gilid at bumungad sa akon si Sawyer, why is he in my bed?
Napaawang ang labi ko nang maalala ang kagabi, nakatulugan ko siguro ang pag-iyak. Sinikap kong itaas ang sarili ko pero mas lalo niya lamang ako hinila papalapit.
"Let's sleep more," pikit pa rin ang mga matang sabi niya. His voice is slightly muffled but it doesn't help in hiding the huskiness in it. Dumantay ang kamay niya sa braso ko nang hapitin pa muli ako.
Ang lapit-lapit na namin ah?
Kumunot ang noo ko at agad na hinawakan ang leeg niya. He's sick! Binigla ko ang pag-upo but I just bounce back to the bed, bakit ang lakas niya kahit may sakit?
"May sakit ka," sabi ko sa napagtanto. He didn't respond, his eyes are just closed tightly. "Pabangunin mo muna ako, I'll get a medicine." Lumuwang naman ang braso niyang nakapulupot sa akin kaya dumeretso ako sa pagtayo at bumaba papuntang kusina.
Nang mahanap ko ang mga gamot, I'm confused kung bakit iba't ibang brands ng gamot ang nandito. Lumingon ako sa may kwarto ni Manang Isay, is she still sick too?
Napabuntong-hininga ako at kinuha na lamang 'yung nainom ko na noon, kumuha rin ako ng tubig at inakyat muli ang kwarto. The blanket was all over him, pinatay ko kaagad ang aircon at linapitan siya.
I crawled at the bed. Ipiniklo ko ang dalawang hita palikod at umupo sa harap niya, "Sawyer." He just hummed. "Uminom ka muna ng gamot,"
"Let's just sleep, wife. It's cold." Hinila niya ako pero pilit kong humiwalay.
"After you drink," I bargained.
Inilapit ko sa bibig niya ang caplet, he sighed and opened his mouth. Pinaayos ko siya ng pwesto para makainom ng tubig, wala siyang nagawa kung hindi bumangon at sumandal sa headboard. Pipikit-pikit ang mata niyang iniinom ang tubig bago muling napahiga.
Bago niya pa ako mahila ay tumayo na ako.
He groaned, "Wife."
"Wait lang," pagdadahilan ko at iniwan ang kwarto.
Bumaba muli ako at laking pasasalamat nang maabutan ko si Manang Isay na may bitbit na mga gulay, mukhang namalengke ata siya.
"Magandang umaga, iha." Ngumiti siya sa akin, mukhang wala na siyang kahit anong karamdaman.
"Manang, May sakit kasi si Sawyer... h-hindi ko alam kung," napatigil ako. Ewan ko pero nahihiya talaga ako kung anong dapat itanong kay Manang, I don't know if I'll call a doctor or what.
Hindi ko na maalala kung kailan ako hulinh inapoy ng lagnat, parang hindi pa naman.
I feel so bad for not knowing what exactly to do.
"Hay naku, mataas ba?" tanong niya at nagmamadaling dumeretso sa kusina.
Tumango naman ako pero hindi niya pala makikita iyon dahil nauuna siya sa akin.
"O-opo," I bit my lip, I am suddenly feeling weak.
"Huwag ka mag-alala iha, normal lang naman ang magkasakit paminsan-minsan." Inilabas niya ang maliit na planggana mula sa loob ng cabinet. Nagsalin siya ng mainit na tubig at dinagdagan ng mula sa gripo. Patuloy lang ako sa pagkagat ng labi ko, I don't have any idea what Manang is doing. "Oh, punasan mo ang katawan ng asawa mo. Kumuha ka ng bimpo at palitan mo ng damit, para iyan mabawasan ang lamig niya."
BINABASA MO ANG
Free the real feels (Completed)
Romance"I'm still studying," sagot ko. "I thought they would let me finish my studies first," Nakatingala lang ako sa langit, hindi siya hinaharap. The sky is getting dark now, matagal pala ang ang naging usapan sa loob. I'm too confused to even notice. ...