Mabilis akong nagtungo sa baba habang sinusuklay ang buhok ko, hindi ko namalayan ang oras at muntik pa akong ma-late. Masyado akong ginanahan sa paglalaro kagabi hanggang sa nakatulugan ko na lang, nakalimutan ko mag-alarm buti na lang at nakagising pa rin ako.
"Careful,"
Napatigil ako sa gitna ng hagdan at gumawi sa likod ko.
Huminga ako ng malalim, silently thanking that he's still here. I should have taught myself how to go to my university, hindi ko na masyadong naisip iyon. Ngayon pa na unang araw ng klase.
"Good morning," kaswal na bati ko.
Napaangat ang kilay niya sa akin at saglit na lumingon sa kabilang gawi. Sinipat ko ang kabuuhan niya, ganoon pa rin naman gwapo.
Wala pa rin akong uniporme, sa susunod na linggo ko pa makukuha kaya nakasuot lamang ako ng pantalon at collared blouse.
"Your class starts at nine, do we need to rush?" tanong niya mula sa likod ko.
Tumuloy na kami sa pagbaba ng hagdan, napatingin ako sa suot kong relo at nakitang 8:10 na ng umaga. Samantalang alas-otso pa lang ng umaga ay umaalis na siya kaya naman binalak kong agahan para makasabay ako sa kanya.
"You always leave at 8 am," tanging sagot ko. Naaninag ko sa gilid ang pagbuntong-hininga niya nang magsabay kami papunta sa dining area.
I quickly made my way to drink a water, may nakahanda na kasing pitsel at baso sa lamesa. Ramdam ko naman ang pagmasid niya sa kilos ko. Nasaan ba si Manang Isay? Maagang parati nagigising iyon e, dito sa baba ang kwarto niya.
"And I'll send you to your school, why are you rushing?"
Bigla namang parang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya.
I told him yesterday when we're eating our dinner about my class tomorrow, tumango lang naman siya sa akin. I didn't know if he'll really accompany me, wala naman siyang alam siguro na hindi ako maalam sa pagcommute o sa pagpunta pa ng mga kung anong lugar. I didn't assume.
If my parents are here, I would ask our driver to do so. But since they left, si kuya lang ang naroon and I don't want him to know my exact situation kasi palagay ko ay mag-aalala lang siya at hindi magugustuhan ito. And that's what I don't want, Sawyer is a husband everyone would dream of... It's just that I am not a dutiful wife. Wala ako masyadong kaalaman sa mga dapat gawin, palagi pa ako nangangapa hanggang ngayon. It's making me guilty kaya ayos lang naman kung hindi niya ako mahahatid.
Isa pa, I don't want to ask him to hire a driver, I have my own money because of my parents but all the expenses here is his... siya ang magpapasweldo. Nag-aaral pa lang ako I don't have other income kung hindi ang galing sa magulang ko, spending it is unexplainably weird for me too. I feel like I shouldn't depend on my parent's money anymore.
I cleared my throat, "Baka malate ka kasi..."
Mataman lang siyang tumingin sa akin. His eyes bore at me as if reading what's going on with my mind. Inilipat ko ang mga mata sa daanan papuntang kusina at saktong lumabas doon si Manang Isay.
"Luto na ang agahan, nandito na pala kayo. Babalik lang ako para ihanda na," salubong nito sa amin.
Akmang pipigilan ko ito pero tumikhim si Sawyer kaya nagpatuloy lamang si Manang sa muling paggayak sa kusina.
"Let's have our breakfast first. Ihahatid kita ng tama sa oras, you'll be bored if you're too early." Binuksan niya ang ref at inilabas ang palagi kong iniinom.
Tumango na lamang ako at tuluyang umupo sa upuang nasa harapan ko, tinanggap ko ang karton ng gatas at nagsalin sa baso. He always know what to do, what to give me and what will happen to me.
It's making me more guilty, ako kasi kahit nagpaturo ako magluto kay Manang ay hindi ko magawang sarapan iyon. She said it's normal because I'm still learning but I don't want Sawyer to eat a salty dish, minsan kung hindi maalat ay matabang. Adobo pa lang iyong inaaral ko ay hindi ko na magawa, it's not even his favorite.
Pinagmasdan ko siyang ihanda ang sarili niyang kape, I hope I can do that for him at least. Kaso sa tuwing mauunahan niya akong abutan ng iinumin ko ay nakakalimutan ko na agad ang naiisip na gawin iyong kanya. He has the ability to always make me feel the things that I have never imagined... kahit pilit ko na hindi pagtuunan ng pansin.
Our routine have been like this, ngayon lang muli magbabago dahil mag-aaral na ako uli. How will I able to attend on him kung ngayon naman ay may pagkakaabalahan na ako?
--
Namumula ang pisngi kong nakatingin lamang ng direkta sa daan, hindi ko naman maalala na madalas ako pagtinginan ng tao but now that we are walking with our hands intertwined, pansin na pansin ko ang pagsulyap ng ibang estudyante ang iba pa nga ay mga guro.
I already kissed his cheeks earlier, akala ko kasi ay kailangan na siya sa kompanya but then he never let go of my hand... at ngayon ay ihahatid pa ako sa unang klase ko. I felt embarassed alright, I saw how he pursed his lips when I gave him a a kiss. Kung alam ko lang na hindi ako makakahiwalay agad sa kanya ay hindi ko na ginawa iyon.
Pilit kong itago ang paghinga ng maluwang ng makita ko ang classroom.
"It's here," I managed to say normally. Nagpapasalamat talaga ako at hindi ako nautal sa mga iba't ibang klaseng tinging nagagawi sa amin.
Sinilip niya saglit iyon at tumango sa akin, "Alright, I'll fetch you later. Check your phone when I messaged you." He gently said.
Dumukwang siya papalapit sa akin at hinalikan ang noo ko.
Agad naman nadagdagan ang pag-init ng pisngi ko saka naramdaman ang kamay niyang humiwalay sa akin, "T-take care," ani ko at saka tuluyang pumasok sa loob ng silid.
I didn't bother to meet the stares when I entered the room. Lumingon pa ako saglit sa pinto at nakita ko na ang likod niyang naglalakad paalis.
I sighed.
I'm happy about us, I just hope that it stays at it is.
Dumeretso ako sa gilid na upuan at doon ipinirmi ang sarili nang ramdam ko pa rin ang tingin nila, napapikit ako saglit at tamad na gumawi sa kanila.
Some of them immediately turned away, ang iba ay napatungo bigla.
Nagkibit-balikat na lamang ako, hindi ko naman sinabing panoorin nila kami... besides we are not having a disgusting public display of affection. I'm not even sure with the last word.
BINABASA MO ANG
Free the real feels (Completed)
Romance"I'm still studying," sagot ko. "I thought they would let me finish my studies first," Nakatingala lang ako sa langit, hindi siya hinaharap. The sky is getting dark now, matagal pala ang ang naging usapan sa loob. I'm too confused to even notice. ...