Chapter 12

3K 94 4
                                    

Nag-uunat pa ako ng braso nang madatnan ko ang matandang babaeng may hawak na vacuum sa sala, isiningkit ko ang mata para alalahanin kung kilala ko ba ito pero wala akong maalala. The last time I check, dalawa lang kami ni Sawyer na nakatira rito.

Bago pa ako makalapit sa babae ay nakadinig na ako nang mabibigat na yapak, tumingala ako sa kanya ng may pagtataka. Saglit ko pang pinasadahan ang suot niyang puting polo at black coat, aalis na siya agad?

Bumaling siya sa babae, "Manang Isay," tawag niya rito. Humarap naman sa amin ito at agad napangiti, halata ang katandaan na siguro ay ilang taon lang ang tanda kila mama.

"Ay! Ito na ba ang asawa mo, iho? Kaygandang bata ire!" sabi niya. Naitaas pa ang mga kamay sa dibdib at ipinagdaos iyon, alanganin akong ngumiti. "Nakapaghanda na ako ng umagahan, iha. Saglit at ihahanda ko lang," aniya at iniwan kami.

Sinundan ko pa ang pag-alis ni manang bago inilipat ang mga mata sa kanya. I innocently looked at him, hindi ko naman kailangan itanong. Obviously, si Manang Isay ang magiging helper namin.

Pinasadahan niya ang suot kong pantulog, "She'll be stay-in," imporma niya pagkabalik ng mata sa akin.

Tumikhim ako at lumingon sa ibang gawi, is he using his business tone on me? Ganito ba siya kapag umaga? Ipinilig ko ang ulo ko, I sided my lips at pinigilan ang mapanguso.

Aalis ka na?

"Sige, mag-aalmusal na ako..." marahang sabi ko. Lumapit muli ako sa kanya, iwas ang mata dahil ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. There's something in his eyes that I can't comprehend.

I tiptoed, hindi ko maiwasang hindi mapahawak sa braso niya bago siya bigyan ng mabilis na halik sa pisngi. Katulad ng nauna, tumalikod na ako agad at nagpanggap na kaswal sa paglalakad. I don't have the courage to watch his reaction.

I just wanted to do it not because I think I need to but because I feel like doing it...

"Ilang taon ka na iha?"

Natigil sa ere ang kutsara ko na akmang isusubo ko, ibinaba ko ito at nilingon si Manang Isay na may maluwang na ngiti sa akin. "18 ho," sagot ko.

Hindi ko alam kung ngingiti ako o tatawa sa pagkagulat na nababakas sa itsura ni Manang ngayon. I think I look right at my age, hindi naman ako mature tignan gaano. Sakto lang at may katangkaran din para sa edad ko.

Nakaawang ang bibig ni Manang nang tumikhim ako at uminom ng tubig. Nabalik naman ito sa wisyo, "Ah. Eh akala ko mukha ka lang bata, bata ka pa pala talaga iha," natatawang aniya.

Ngumiti ako nang maalwan, ano bang edad ang akala ni Manang? Itinabi ko ang pinagkainan at tumayo para ilagay sa lababo.

"Ay, naku. Ako na sana ang nagligpit iha," pigil pa nito sa akin na inilingan ko na lamang.

Bago pa dumating si Manang Isay, nasanay na ako sa tuwing kain namin ni Sawyer ay ako ang nagliligpit ng pinagkainan namin. He insisted I shouldn't but I insisted to do it too, he's the one to cook and wash the dishes. I don't know how will I help.

"Mukhang bago pa itong bahay iha, bagong kasal ba kayo?" tanong niya muli habang inuumpisahan ang paghuhugas ng plato.

Tumango naman ako. Ayos na rin talaga na kinuha ni Sawyer si Manang, iba pa rin ang may makakasama sa bahay habang hindi pa ako pumapasok. Ang akala ko pa ay isasama niya ako sa opisina niya pero naabutan ko lang naman siyang nakabihis na. "Mahigit isang linggo pa lang po,"

"Kahit bata ka pa bagay na bagay kayo ng asawa mo," komento niya na agad ikinapula ng pisngi ko.

I actually didn't expect that. Ang akala ko kasi sinasabi lang 'yun ng iba sa amin dahil araw ng kasal namin. And of course, ibang kaso kapag sa mismong pamilya nanggaling. Sawyer is already twenty six, he doesn't really look that old. He is indeed a mature man that is suited for a mature woman, not to a young inexperienced girl like me...

Just the thought of it is making me sad. Hindi ko maiwasang isipin kung napilitan lang ba siya sa amin?

Natawa siya, "Ano pa lang gusto mong tanghalian, iha?"

Napaisip ako saglit, "Kayo na po bahala, Manang." Wala naman akong partikular na gusto kainin, hindi naman ako maarte sa pagpili ng pagkain basta ay hindi mapait. I don't like anything bitter, the rest will be fine.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kwarto nang maisip ko muli si Sawyer. I wonder how he eat his lunch? Siguro may canteen sa kompanya nila... hindi ko rin kasi alam kung saan ang kanila. I've only heard about the Savedes company but I never got the chance to be there. Kung marunong lang ako magluto—Oh. Right, I can ask Manang Isay if she can teach me.

Bumalik ako kung saan ko iniwanan si Manang, nadatnan ko siyang nagpupunas ng lamesa. "Manang," tawag ko. Umangat ang ulo paharap sa akin, "Can you teach me how to cook?"

Lumabas ang mga ngipin nito at masayang ngumiti, "Abay, oo naman iha! Kahit kailan mo gusto,"

--

Kakatapos ko lang maligo nang maisip ko tumambay sa labas, itinuro sa akin ni Manang Isay kung paano iluto ang tanghalian naming Adobo. Nagpaturo rin ako magprito, nakakatakot nga lang 'yung mantika kapag umiingay at uwing tatalsik. Hindi pala talaga madali.

Saglit kong tinignan ang mga sasakyan niyang nakaparada. Tatlo ito, isang coupe, sedan at iyong pick-up truck. His SUV is what he used earlier, iyon ang wala dito.

I think of practicing my driving para makakuha na rin ako ng lisensya, but just the thought of asking him is not really favorable to me. It's not that I'm completely shy, ayoko lang talaga na kahit ayaw nila ay mapapa-oo sila. Not that he can't say no to me, though.

I shrugged, basta kung kailan na lang pwede.

Dumeretso na lamang ako sa lamesa na nakapwesto sa dulo ng garden area, ang bahaging ito ay hindi hagip mula sa sala.

I opened my phone and immediately furrowed my eyebrows when I saw a message.

Hindi ko napansin na nagtext pala si Sawyer, he just said to text him if I'm going somewhere. Mabilis akong nag-reply ng 'okay' at kinamusta sila mama at papa. Nakausap ko na rin si Kuya, saglit naming pinag-usapan ang pag-alis ng magulang namin bago nagkamustahan.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon