Tumunog ang phone ko kaya agad kong tinignan iyon, for the first time after I got married I received a text. I saw from my side how he quickly glanced at me pero bubuksan ko pa lamang ang message ang sa kanya naman ang tumunog.
Kinuha niya iyon at inabot sa akin, "Can you read it for me?" sabi niya na nagpatigil sa akin.
I managed to cleared my throat at mabilis na kinuha sa kanya. Inilapat niya ang kanyang kamay sa manibela, "0531."
I quickly got what he meant kaya mas inuna ko pang buksan ang kanya. Oh it's tita. "Tita want us to have a dinner with them," sabi ko nang mabasa ang text.
Binuksan ko rin ang selpon ko at ganoon rin ang sinabi ni mama. "Uh... Mom texted me, she said the same thing," I awkwardly chuckled.
Sa buong linggo na walang kumontak, talagang sabay pa sila? What's with the coincidence? Pwede namang tanghalian ang isa, ang kaso nga lang ay may pasok pala siya.
He hummed, "You decide then."
Napalingon ako sa kanya, seryoso ba? I'm bad at this. Hindi ako sanay sa mga ganito, kaunti na lang ay mapagkakamalan ko na ang sarili kong may decidophobia. But I know I'm not... I'm just not used to be the one who's mainly deciding. Sa palagay ko, kaunti pa lang ang mga nagawa kong desisyon.
But those are the big ones, tulad ngayon. Kasal na ako, may asawa na ako.
Tumikhim ako, "I think... doon na lang ako magla-lunch kila mama ngayon," sabi ko. "Mamayang gabi, sa inyo."
I want to be with my family for a while but with him around, I'll feel like I can't rest my heart from beating so fast. Baka ang pakikipag-usap ko kila papa ay manibago pa ako.
He looked at me with questioning eyes, "Are you sure?" Tumango ako bilang tugon. "Okay. Reply to them," ani niya bago bumalik ang tingin niya sa daan.
Itinaas ko ang dalawang selpon, kanino ba ako unang magrereply?
I opened mom's message instead and type a reply, sinabi kong hindi kami makakapaghapunan doon at ako na lang ang magla-lunch sa kanila since Sawyer has work. Nagreply na rin ako kay tita using my name, para alam niyang ako ang nagreply.
Wala pang ilang minuto ay nagreply agad si tita, Call me mommy iha, I'm glad you can use his phone! Nagparte ang labi ko at hindi ko mapigilan ang pag-init ng pisngi ko. Kahit text lang ay nakikita at naririnig ko siyang sabihin iyon sa akin. I tried to shrugged off the thought by replying, mabilis ko na ring pinatay ang phone niya at ipinatong sa pinagkuhanan niya kanina.
The ride is silent as we are, as it is kahit nasa bahay kami. It is not akward, it is actually somehow comforting to be around him tuwing nagiging kaswal kami sa isa't isa but no matter how peaceful it may seem to be ramdam na ramdam mong may kulang. I am confused if it's because I missed my parents o purong paninibago sa buhay ng may asawa.
Kung sabagay, hindi naman talaga namin gaano kilala ang isa't isa.
Mabilis kami pinagbuksan ng guard nang makilala kami pagkababa ng bintana. Ihahatid niya lang ako rito at aalis na siya papunta sa kompanya.
Ito nanaman, naghuhumarentado muli ang puso ko nang hindi niya bitawan ang kamay ko. Should I expect a holding hand already once he opened the car door for me? Baka sakaling masanay na ako.
We are greeted by some maids when we entered our house, biglang namumula ang pisngi ko pagsumusulyap sila sa kamay naming magkasalikop.
Tumikhim ako, "You can go. Baka ma-late ka pa kasi," baling ko sa kanya. He was about to respond nang magsalita si mama mula sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Free the real feels (Completed)
Romance"I'm still studying," sagot ko. "I thought they would let me finish my studies first," Nakatingala lang ako sa langit, hindi siya hinaharap. The sky is getting dark now, matagal pala ang ang naging usapan sa loob. I'm too confused to even notice. ...