Last update: November 12, 2018
Today's update: February 02, 2021Jusko, it's been 2 years and 3 months since I last updated this story. I actually never thought that this will be loved by many and most of the people I know who has read this, they wanted me to continue. So, as a gift to all of you, I will be updating this story constantly so everyone will get to enjoy.
Gusto ko lang din naman kayong lahat na pasalamatan sa inyong pagsuporta at sa inyong walang katapusang pagtangkilik dito sa istoryang ito.
Tama na po ang satsat, simulan na natin ang naudlot na kwento! ciao!
~~~~~~~~
Montel
Everything's doing fine and sound. Lahat umaayon sa napagplanuhan, syempre lahat ay lubos ang pasasalamat sa eskwelahan dahil sa pagbibigay ng suporta at tiwala sa kaganapang aming inihahandog.
I want every single piece of this event to be perfect, I want it to be the best event of the decade para sa school na'to. I am not only doing this for myself but to the students, too.
Minsanan lang naman din kase makapagsaya ang mga estudyante, at dahil nabigyang sila ng pagkakataon, wag naman din nating ipagkait. Kaya sana nga, maging maayos at walang palya ang concert mamaya.
Speaking of concert, kasalukuyan akong nagaayos ng mga kagamitan para sa gaganapin mamaya.
One of them ay si Lazaro. Alam ko talaga at ramdam din ng mga kasamahan ko ang kaba niya ngayon, some of the people here are trying to at least give him some words of encouragements easing his nervousness.
Malaki ang parte niya sa event na'to. At kahit na hindi ako masyadong magaling sa pagpapakalma, tao padin naman ako at marunong magmalasakit kaya inabutan ko siya ng isang juice.
I sat next to him while he's still holding his guitar.
"Alam mo, events like this will give you the opportunity to explore more of what you can do, Laz. Sa una lang ang kaba. Ibigay mo lang yung best mo at makikita ng lahat.." aniko ng walang masyadong emosyon. Gets niya naman siguro yung point ko.
Inilagay niya yung gitara niya sa baba kay yung fingers niya sumagi sa braso ko.
Jusko, daig pa yata nito ang patay sa lamig ng kamay!
"Kumalma ka nga.." hinawakan ko nalang yung isang kamay niya.
Nagulat pa siya sa ginawa ko. Nakatitig lang siya ng diretso sa kamay kong nakahawak sa kamay niya at nanatiling walang imik.
Pinapainit ko lang naman yung kamay niya. Wala naman akong balak tyansingan siya at gawan ng kawalang-hiyaan.
Higit sampung segundo na ata ang nakalipas, medyo na a-awkwardan na ako kaya bumitaw nalang. Baka isipin nito na ang baklang kagaya ko ay gumagawa ng paraan para makahawak sa kanya. Never.
Kahit may galit ako sa mga lalaki, malaki din naman ang pasasalamat ko sa kaniya at sa buong team, kaya hanggat sa makakaya ko, gagawin ko ang lahat di lang sila mailang at kabahan.
"Uhm, are my hands really that cold?" aniya.
Tumango lang ako bilang sagot at tumingin sa malayo.
"Can you please do that again?" dugtong niya.
"Do what?" alam ko naman kung ano yung tinutukoy niya. Gusto niyang painitin ko ulit yung kamay niya. Kaso ayoko nga, baka ako pa ata yung tsina-tyansingan neto.
"Holding my hands? Yours are really warm and soft. I need it.." Nakatitig siya sa akin.
Medyo nahiya ako sa sinabi niya. Umiwas nalang ako ng tingin at tumayo.
BINABASA MO ANG
Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)
Teen Fiction"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." "..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" I was bombarded by the pain, for I was so numb and forgetful how love made me feel s...