*kring kring!Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking telepono..
Inilabas ko yung ulo ko mula sa kumot at tiningnan kung sino yung tumatawag..
"Hello?..." ani ko
"Good morning Mon, kailangan mong maging maaga sa school ngayon.. we need to prepare na." Aniya
Kinukusot kusot ko pa yung mata ko habang dahang dahang umupo.
"Teka, bakit kailangan kong pumunta ng maaga sa school?"
"Hellooooo, ngayon kaya ang Music Festival, and we have a lot of things to do.. we need to prepare all of the program that is needed to be distributed." Aniya sa kabilang linya..
Napamulat ako bigla. Jusko, ngayon na nga pala yung Music Festival!
"Ay nako! Sige sige Anna, magmamadali na ako. Sorry nakalimutan ko." Ani ko kay anna.
"Hala, jusko naman Montel.. Agahan mo nalang please. At tsaka, tawagan mo nalang din yung manok mong kakanta mamaya baka pati yun malate pa.." huling sinabi ng babae sa linya.
Pagkababa ng telepono ko, napakamot nalang ako sa batok.
Dinial ko kaagad yung numero ni Lazaro at tinawagan.
*kring kring..
"Jusko, antagal naman sumagot ng alien na'to.."
*kring kri----
"Hey. Good morning." Anito.
Bumungad sakin ang baritonong boses ni Lazaro..
"Good morning mo mukha mo! Kailangan mong pumunta sa school ng maaga ngayon, mag rerehearsal ka pa. At tsaka, marami kapang kailangan gawin! Jusko naman Lazaro, wag mong sabihing hindi kapa umaa---" naputol ako
"Nasa school na ako." Aniya.
Natigilan ako.
"...S-school? Nasa school kana? Ah, e. Sige, papunta na ako.." nahihiya kong tugon.
Narinig ko pa siyang napatawa sa kabilang linya..
"Wag ka ngang tumawa, nakakainis!"
"Haha, you seem so funny kase. All this time, ikaw lang pala yung late." Pang-aasar niya.
"Tse!" Inis kong tugon.
Pagkatapos nun pinatayan ko siya ng tawag.. Nakakabadtrip!
-------
"Make sure to come tonight at the Music Festival po! Here you go, this is our flyers for tonight's event. Mag eenjoy kayo talaga." Ani ko sa mga taong nadadaan sa hallway.
Hawak hawak ko ngayon ang sangkaterbang pile ng flyers na kailangan naming ipamigay sa mga studyante para ma aware sila na may event mamaya..
"Thank you po!" Huling tugon ko sa babaeng binigyan ko.
"Mon, mabuti nalang talaga at kakanta mamaya si Lazaro. Tiyak instant sikat yun. Ang gwapo kase." Parang kinikilig na sabi ni Mae.
Napairap nalang ako.
"Edi shing! Kung sumikat edi sumikat. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, matapos natong event nato.." ani ko
"Alam mo, ang swerte mo kaya. Ikaw yung napiling maging mentor ng Aussie na yun.."
"Wala nga akong pakealam sa lalaking yun, eh ano kung gwapo?-----thank you po! Pumunta ho kayo tonight!" Ani ko.
Patuloy parin kami sa pamimigay ng flyers habang nagchichikahan ni Mae.
"Ay nako Mon, napakabitter mo talaga sa mga lalake. Kaya ka tumatanda ng maaga, puro ka sama ng loob."
"Eh panong di sasama ang loob ko? Eh ang hirap turuan ng lalaking yun.. Magaling nga yung boses pero yung stage fright niya, hindi mawala-wala."
"Sus, aminin mo nag eenjoy karin kasama sya.. Ayie." pang-aasar niya.
"Gusto mong ipakain ko to sayong mga flyers?" Pagbabanta ko.
"Wag beh! HAHA pero Mon, eto ha serious to.." aniya habang may paserious ding mukha
Patuloy parin ako sa pamimigay ng flyers.
"...Bagay kayong dalawa. I mean, sa itsura mo kase, ang babae ng mukha mo tas ang balingkinitan pa ng 'yong katawan.. kung hindi kita kakausapin, makukumbinsi mo talaga akong babae ka." Paliwanag niya.
"Wag ka nga sa mga ganyan!" Pambabasag ko.
"Oo nga. Bagay talaga kayo. Swear." Pagpupumilit niya.
Ewan ko ba sa babaeng to, kung anong iniisip.
Nagpatuloy lang kami sa pagdi-distribute ng mga papel.
Mga liman minuto siguro nung patuloy lang kami sa pamimigay at walang usap na naganap.
Ng biglang binasag ni Mae ang katahimikan na siyang kinatigil ko.
"Alam mo, antagal narin bes simula nung nabroken hearted ka.." Aniya.
"..Alam mo naman na andito lang ako palagi sayo, at hinding hindi kita iiwan. Payo ko lang sayo bes, Please open your heart again." Nakatitig lang si Mae sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko.
"Maybe it is time to see other people.."
-------
BINABASA MO ANG
Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)
Novela Juvenil"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." "..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" I was bombarded by the pain, for I was so numb and forgetful how love made me feel s...