Ikapitong parte

159 6 0
                                    


"Next!" Sigaw ko

"Hi, ako po si Lea isang grade 11 student taking up ABM strand, gusto ko pong mag audition sa Music Club kasi alam ko po sa sarili ko na may talent ako sa pagkanta.." pagpapakilala ng sunod na nag audition

Sa hindi nakakaalam, ako ang President ng Music club sa  School at since nagstart na ang Second Semester, new sets of Students ang ipapasok sa Club kapalit nung mga hindi nagwork na students last Semester due to busy schedule and this time, we are making sure that the Student's Schedule is not a problem anymore.

"Sige so i bet kakanta ka, What song will you be singing?" Interrogate ko

"Ah, Someday po by Nina." Nakangiti niyang sambit

Ang gandang kanta pero ang sakit.

"Okay, so start when you're ready.." ani ko.

Ilang segundo lang at handa na siyang magsimula.

Tumugtog na ang ritmo ng kanta kasabay ng paghahanda niya sa pag awit.

"Someday, you'll gonna realize.." Ang ganda ng boses niya in fairness.

Nakikinig lang ako sa kanyang pag awit at dinadama ang kanyang tinig

"One day, you'll see this through my eyes..
By then, I won't even be there, i'll be happy somewhere even if I can't.

I know, you don't really see my worth
You think, you're the last guy on earth,
Well I've got news for you
I know I'm not that strong
But it won't take long,
Won't take long.."

Biglang tumulo ang luha ko at nag balik ala-ala ang lahat isang taon na ang nakakaraan..

Sa lugar na kung saan nagsimula ang lahat at nagtapos rin..

"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." ani ko

"..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" Unti-unting lumalabo ang aking mata dahilan ng pamumu-o ng mainit na luha.

"Someday, someone's gonna love me
The way I wanted you to need me.
Someday, someone's gonna take your place..."

Patuloy parin ang pag agos ng luha ko habang nakikinig sa kanyang boses. Kung kailan kailangan ko nang kalimutan ang lahat, bakit kailangan ring bumalik ng sakit?

"Hindi ko alam kung pano at kailan nangyari pero Mon, hindi na kita mahal.." aniya na tila walang naiibigay na sakit sa akin..

"One day, I'll forget about you
You'll see, I won't even miss you
Someday, someday.."

Huminto na ang pagkanta.. pinunasan ko yung mga nag uunahang luha palabas ng aking mga mata..

Natahimik ako at may napansin sa gilid ng stage..

May lalaking nakatayo sa may pinto at nakatitig lang sa akin, batid kong sa buong pagkanta at pag iyak ko ay nakatingin siya..

Si Lazaro.

Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon