"Kuya, sampung fishball nga at tatlong kwek-kwek.. magkano po?" Puna ko kay kuyang magfifishball.Kasalukuyang bumubunot ako ng pera mula sa wallet ko pambayad ng street-food.
"30 pesos lang Mon." Aniya
"Ang mahal naman ho ata?" Puna ko.
Magkano na ba ang streetfoods ngayon? Kinuha ko na yung maliit na platong papel na may kwek-kwek at fishball.
"Eh oo nga eh, pati nga streetfoods nagmahal na din. Tigdo-dos na nga yung maliliit na fishball ko." Paliwanag niya.
Tumango nalang ako sa sinabi ni kuya at nagtungo na pabalik ng bahay.
Nakashorts lang ako at nakasout ng maluwag na t-shirt kasi nasa may kanto lang naman yung bahay namin.
Linggo ngayon at walang klase kaya free time para sa sarili.
"Oh, magandang hapon po aling Letty!" Bati ko sa suki ko ng barbecue.
"Magandang hapon din saiyo ijo!" Pabalik niyang bati sa akin.
Naglalakad na ako pauwi ng may nakita akong nagkakagulo.
Nausisa ko tuloy yung nangyayari.
"Aba, ini-engles pa tayo nitong kumag nato ah?! Anong gusto mo suntukan?" Narinig ko si Lloyd na parang may pinagdidisketsyahan naman..
Jusko, hindi na naman nabuhay ng walang gulong hinahanap.
Nanatili lang akong natingin sa may malapit sa kanila.. hindi ko maaninag ko sino yung pinagtritripan.
Mukhang dayo.
"No, i am not here for suntukan.. i am looking for Montel. Do you know where he is?" Ani ng lalaking nakatalikod
Teka, sino ba'to?
"Anong kailangan mo sa lovey dove ko?! Hinahamon talaga ako ng kumag na'to eh." Nagtitimping pakiwari ni Lloyd.
Napakunot ang aking noo. Bakit ako hinahanap ng isang strangherong gaya niya?
Bigla siyang napaharap kaunti sa may direksyon ko..
Dun ko lang din siya nakilala.
"Hindi, hinahanap ko lang talaga siya.. bro ayoko ng gulo.." pagpapaliwanag niya kay Lloyd.
Nakapamewang na parang nanghahamon si lloyd sa lalaking nakatayo eh hindi hamak na mas maliit siya.
Agad na akong nagtungo sa pinagtatayuan nila.
"Lloyd, magtigil ka nga."
Nagulat si Lloyd sa biglang pagsulpot ko.
"Love, wala to. Tinuruan ko lang saan palabas ng barangay." Aniya sa akin.
"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Atsaka, hinahanap niya ako..." tumalikod ako kay Lloyd at hinarap ang lalake.
"Laz, Ba't andito ka?" Usisa ko sa kanya.
"I was sent by the school to the Music Festival and they suggested you as my mentor for the whole event.." napakunot ang noo ko..
"..and yeah, hinahanap lang kita for confirmation." Aniya tas ngumiti.
"Eh, ba't ngayon ka pa pumunta? Hindi ba makakahintay yan ng lunes?! Nang-aabala ka pa ng tao." Bagot na saad ko.
Humarap ako ulit kina Lloyd, tas tong kumag nato nakapuppy eyes pa.
"Love--" pinutol ko siya
"At ikaw, umuwi ka na kesa sa kung saan saan ka lang naghahanap ng mapagtritripan!" Kinurot ko ang ilong niya.
"Opo boss." Tas nagkamot ng ulo paalis.
"Can we talk?" Ani Lazaro.
May magagawa pa ba ako?
---
BINABASA MO ANG
Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)
Teen Fiction"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." "..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" I was bombarded by the pain, for I was so numb and forgetful how love made me feel s...