Ikalabing-dal'wang parte

220 13 1
                                    



"Anna! Tapos na kami sa pamimigay ng flyers." Sigaw ni Mae kay Anna na nag-oorganize ng event.

Nasa stage sila ngayon habang inaayos yung lights at kung ano ano pa.

"Talaga ba? Eh mabuti naman. Okay guys, Let's have 30 minutes break and pagkatapos, balik kayo agad." Anunsyo niya.

Iba din talaga tong si Anna eh no? Ang galing galing talaga mag organize ng mga ganap sa school.

Kaya love na love siya ng mga students.

"Oh Montel, ba't ang tahimik mo dyan?" Puna niya sakin.

Napatingin si Mae at ngumiti. Alam kasi niya kanina pa ako tahimik at iniisip yung mga sinabi niya.

"Wala Anna, may iniisip lang." ani ko.

"Ah ganun ba? Sige pupunta lang muna ako ng classroom." Aniya at nag paalam.

Umupo ako sa tabi ni Mae habang kumuha na rin ng isang pirasong YumBurger at Juice drink.

"Oh, wag ka na ngang ganyan. Magsalita ka na. Wag mo nang isipin yung sinabi ko.." napalingon ako sa kanya

"..kung hindi ka pa ready, wag mong pilitin. Okay? Kaya cheer up! May event pa mamaya oh!" Tinapik niya ako na nakapag pagaan ng aking loob.

Napakasaya kong nagkaroon ako ng isang kaibigan na hindi ako iniwan kahit kailan.

"Alam mo Mae, how about let's try it?" Ani ko.

"Anong 'let's try it'?"

"Yung itry nating buksan ulit yung puso ko?.." napangiti siya sa nasabi ko.

"..Alam mo kasi, narealize kong medyo matagal narin pala talaga yung panahong nasaktan ako."

"Sigurado ka na ba jan?"

Tumango ako.

Napalapad ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Sige sige. Simulan natin sa mga Signs." Aniya.

"Anong Signs?" Pagtataka ko.

"Ngayong araw nato, hihingi tayo ng Signs sa Universe. At kung matupad ang signs nayun sa isang partikular na tao, maaaring siya na para sayo."

"Teka, parang an-tanga naman yata ng ideyang yon? Hindi naman nababase sa coincidence ang taong para sayo." Ani ko

"Hindi coincidences yan. Naniniwala kaya ako sa Signs.. i-try lang natin, wala namang mawawala."

"Ewan ko sayo.."

Napatawa lang sya sa kagagahan niya.

"Oh, ano bang kailangan nating gawin?" Usisa ko.

Nagiisip siya.

"Simple lang, hihingi lang tayo ng pwedeng mangyari.."

Ang gulo ng babaeng to.

"Sige let's give it a try.."

"..Ano yung favorite number mo?"

"4" ani ko.

"Okay, kung sino ang ika-apat na pumasok dito sa Gymnasium, siya nayong maaaring para sayo.." pag-eexplain niya.

"Hay nako, ang tanga ng ganyan Mae! Paano kung Babae ang pumasok? Oh di kaya'y matanda?"

"Edi hindi natin pwede bilangin yun. Kelangan, lalakeng ka-age lang natin." Aniya.

Wala na akong nagawa kundi ang nag abang nalang sa may entrance kung sino ang papasok.

May pumasok na isang lalake.

"Oh, may isa na. 3 more to go."

Tapos may pumasok ulit. Kaso babae.

"Let's not count that."

Naghintay ulit kami ng may pumasok na isa pang lalake.

"Oh, may lalake na! 2 more to go."

Ewan ko kung bakit kinakabahan ako..

"Oh, may lalake ulit! Omg! Isa nalang!"

Lumalakas na yung kabog ng dib-dib ko.

Pero sa pagkakataong ito, medyo natagalan ang pagpasok ng tao.

Ng ilang saglit pa..

Sabay na pumasok ang dalawang lalake na siyang kinagulat ko.

Pati si Mae, hindi makapaniwala.

"Oh my lord.." banggit niya.

Si Ellie at si Lazaro pumasok ng sabay sa Gymnasium.

------

Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon