Ikasampung parte

154 7 0
                                    


"Mon!" may tumawag bigla sa akin.

Napalingon ako sa lakas ng sigaw, jusko! Kung makasigaw naman parang wala sa hallway.

"Ano na naman? Kung pagti-tripan mo na naman ako, wag ngayon please." Bagot kong ani.

Napakamot siya sa ulo niya.

"Eh kasi naman, hindi na tayo muling nagkita simula nung huli eh."

"Ellie, alam mo namang wala akong panahon sa mga biro at kalokohan diba? Please lang naman, sana may kabuluhan man lang yang inaatupag mo.." humarap ako sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin.

"Oh, ano bang kailangan mo sa akin?" Hinawakan ko yung balikat niya.

Kahit papano naman, si Ellie lang yung lalaki kong kaibigan. Kaya kahit puro kalokohan siya, pinapahalagahan ko parin.

Kinuha niya yung kamay ko na nakahawak sa balikat niya.

Nakatitig lang siya habang nakangiti.

"Can we go out on a dinner tonight?" Aniya

"Elli-----" putol na banggit ko.

"Please, please, please? Kahit ngayon lang? Bigyan mo naman ako ng panahon oh. I am dead serious about my confession to you Mon. I know you are still hurt because of your past, but I'm willing to wait. I am much more willing to fix you and your heart..." napatikhim ako.

Nanatili siyang nakatitig ng sincere sa akin.

"...Just a single chance to prove to you Mon, I am true to you." Dugtong niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.. Si Ellie kasi yung andun habang ilang linggo akong todo iyak at hindi makakain dahil sa nangyari noon.

Si Ellie kasi yung nanatili sa tabi ko habang unti unti akong kinakain ng lungkot.

Hindi kasi katulad ng ibang lalaki si Ellie eh.

Pero kaibigan ko siya. Hindi ako pwede pagsalitaan siya ng hindi maganda sa panahong seryoso siya.

"Ellie, hindi ko alam ang sagot." Umiwas ako ng tingin.

"Dinner lang naman Mon eh." Halos pagmamakaawa niya.

Hindi ko siya nililingon habang nananatiling nakahawas siya sa kamay ko.

"Mahirap ba akong paniwalaan?" this time, tumingin na ako sa kanya..

May lungkot sa mga kislap nito.

"Ellie, You're straight."

"For you, I am not...." natigilan ako sa narinig ko.

"...I had been keeping this feeling for a year now Montel, I had been thinking about this and now that I'm sure.. I'm not letting you go." mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Hindi alintana ang mga taong lumalagpas sa aming dalawa dito sa hallway ng Campus..

"Ellie, alam mo naman diba?"

"Oo, alam ko ang nakaraan mo. Isn't it time for you to see other people? I mean Mon, you can't be like this for the rest of your life.. Please, open your heart again." Natumbok niya ako run.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.

"Sige, let's go have a dinner tonight."

-------

Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon