Ikawalang parte

265 10 2
                                    

Kasalukuyan...

"Mon! Harapin mo naman ako oh?!"

"Ellie, Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay.. may klase pa ako ngayon na kailangang habulin!" Sinisigawan ko na ang lalaking ito sa gitna ng hallway..

Kung anong kinapal ng mukha, siya ring kinatigas ng ulo niya. Ang mga ganitong klaseng lalake, ito dapat ang nilalayuan.

Nakakabadtrip!

"Mon, may sasabihin lang naman ako sayo eh.. saglit lang." aniya

Pagkasabi niya nun, huminto ako sa pag takbo-lakad..

"Bakit ba ayaw mo'kong tantanan?.."

"...siguraduhin mo lang na importante yan!?" Dagdag ko

Narinig ko siyang bumuntong hininga.. at napakamot sa ulo.

"Mon, gusto kita." Kumunot ang noo ko pagkarinig ko nun.

"Ano?!"

"Ang sabi ko, gusto kit---" hindi ko na siya pinatapos..

"Gusto mo'ko?! Baka gusto mong sapakin kita? Umayos ka ha! Wala akong panahon sa mga ganyang walang kabuluhang biro." Tumalikod na ako sabay naglakad.

Si Ellie ang klase ng lalake na mapaglaro sa mga babae, magpatawa at walang ibang ginawa sa buhay kundi ang magbiro.

Matagal ko na siyang kaibigan in fact, circle of friends pa nga dati eh.

Alam niyang bakla ako. Alam niya ang nangyari sa akin isang taon na ang nakalipas..

Hindi sya papatol sa mga katulad ko kaya isang malaking biro ang magkagusto siya sa akin.

At tsaka hindi rin ako papatol sa mga katulad niya, nawalan na ako ng tiwala sa kahit na sinong lalake pa..

..tama na yung minsan na akong sinaktan at iniwan.

"Good morning sir." Bati ko sa instructor.

"Why are you late? You were supposed to be here at exactly 7 minutes ago." Mataray na puna niya sa akin.

Eto na nga oh! Humihingal pa nga ako sa lakad-takbo kong ginawa kanina.

"I'm sorry sir, I was late because I had to go to the restroom." Rason ko.

First day na first day ng second semester late ako, pero okay lang hindi pa naman simula eh.

Pagpapakilala pa lang naman ang gagawin.

"Okay but next time, make sure not only you but all of the students I handle in this classroom will never be tardy or do any form of truancy.. I'm never gonna give you another chance to take my classes. Is that clear?" Aniya

Lahat naman ng nasa loob ng classroom ay nag si-agree sa sinabi ng proctor.

Pagkatapos nun, nagbigay na siya ng cue para pumasok ako at nang makaupo.

Sa loob, may mangilan-ngilan akong nakitang mga kaklase ko noong unang semester but mostly sa kanila bago.

Alam niyo naman na sa unang araw ng pagbabalik skwela ay wala pang sitting arrangement kaya kung sino yung late, tiyak dun talaga sa pinakabandang dulo.

Isang upuan nalang din ang walang nakaupo. Kaya obviously, dun talaga ako.

Tsaka, wala akong tabi. Baka isipin niyo, ito yung nababasa niyo sa wattpad na may dalawang bakanteng upuan tas ako dun sa isa tapos may uupo sa tabi kong gwapo.

Hindi!

Walang ganun.

---

Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon