"Good morning Mr. Bulalacao! Peace and Good wealth to you Sir." Bati namin sa instructor naming masungit."Good morning students, How are you?" Bati niya rin sa amin.
Lahat naman sila ay nagsabing 'okay' pero ako hindi.
Medyo inaantok pa ako dahil narin sa gala namin ni Mae kagabi. 2 am na nang makauwi kami.
Siya lang din naman ang lasing. Hindi ako uminom kasi may klase pa ako kinabukasan.
"So our topic for today is all about your strand in Senior High..." Panimula niya.
Oo, Senior High school student ako. Grade 12 at graduating.
"...Since you are taking up Travel Services under Technological Vocational Strand, Well siguro alam niyo naman kung ano talaga about ang Strand nyo at kung bakit pinili niyo ito over any other courses, right?"
Sumang ayon ang lahat..
"So i think that your skills is well nurtured na and is ready for sabak in the real world after college? Pero kung sino man yung hindi na magco-college, okay lang na hindi na kasi you will be granted for your NC-11. you are qualified already to have a job after your Senior High since this is vocational." Pageexplain pa ni sir.
Sa kalagitnaan ng discussion, biglang may pumutol sa pagsasita ni Sir Bulalacao.
lumabas ito para kausapin yung instructor din na gusto siyang makausap.
Biglang umingay ang classroom.
Habang ako naman, nanatiling walang emosyon ang mukha. Ganun parin.
Medyo naaalidbaran narin kasi ako dahil kanina pa tingin ng tingin yung mga lalake na nasa unahan ko.
Mga bago ko silang classmates.
Habang nag uusap sila, nakatingin sila sa akin habang nakangiti kaya nagtitimpi lang talaga ako eh.
Hindi naman siguro halata na pinagtritripan niyo ako.
Yung isa pa medyo narinig kong sumambit ng..
"Ang ganda sana kasi akala ko babae, yun pala bading. Sayang naman oh." Tas nagtawanan yung mga kagrupo niya habang siya naman nakatitig parin sa akin ng nakangiti.
Inirapan ko nalang sila.
Makalipas ang ilang minuto, muling bumalik si sir sa loob ng classroom. Buti naman.
"Ah class, we have a exchange student from another school.. he will be sharing his whole semester with us and together with your other subject teachers."
Napatango naman kaming lahat.
"Sige na, pumasok ka na ijo at ipakilala ang sarili mo.."
Biglang may pumasok sa loob ng classroom, isang lalaki.
"Hi everyone, I'm Lazaro Shezgner. I am an exchange student from another school."
Lazaro Shezgner.
---
BINABASA MO ANG
Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)
Teen Fiction"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." "..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" I was bombarded by the pain, for I was so numb and forgetful how love made me feel s...