Ikaanim na parte

161 6 0
                                    



"Hi, Montel."

Biglang may nagsalita sa gilid ko habang naglalakad ako sa hallway dala dala yung modules na kakailanganin namin for the discussion.

"Ako na magdadala niyan para sayo.." ani Carl.

"Hindi na. Kaya ko na'to." Hindi tumitinging tugon ko sa kanya.

Si Carl yung lalaking kahapon pa titig ng titig sa akin habang nakangiti at nakaharap

Hindi ko gusto ang presensya niya sa paligid ko. Kung paraan to para pagtripan ako, wala akong panahon.

"Sige na, ako na. Mukhang nahihirapan ka na." Pilit niyang kinukuha ang mga modules sa mga braso ko.

Hinihimas niya pa ang aking kamay habang nakangisi ng malapad.

may naririnig naman akong tawa sa may pinto ng classroom. Mga kabarkada niya

Aba! Ambabastos nito ah?!

"Hindi na nga sabi eh! Ako nalang." Kinuha ko ulit sa kanya ang mga hawak ko

"Hindi na, ako na." Pagpupumilit niya paring kunin yung mga dala

Nag aagawan kami hanggang sa nahulog lahat sa sahig ang nagkalat na modules..

Natigilan siya.

"Ano bang problema mo?! Ba't ba pinipilit mong ikaw ang magdadala?! Hindi mo ba nakikita na ang lapit ko na sa classroom? Yan tuloy, mag aaksaya pa ako ng oras sa pag pulot niyan!" Sigaw ko sa kanya

"Eh gusto lang naman kitang tulungan ah?! Ba't ba ang arte mo?!" Sinigawan niya ako pabalik.

"Eh, siraulo ka pala eh! Hindi mo ba nakikitang hindi ko kailangan ng tulong mo?!...." nanggagalaiti na ako sa galit

"...atsaka hindi ako nag iinarte, kayang kaya ko namang dalhin yan mag isa!" Sigaw ko

Humahakbang siya palapit sa akin..

"Siguro nagpapakipot ka lang no? Alam mo kasing gusto at trip kita kaya nagpapacute ka kunware sa akin.. gusto mo rin ako kaya hard-to-get ka" nakangisi niyang ani

Literal na napanganga ako sa sinabi niya.

Isang pulgada nalang ang layo ng mga katawan namin.

Nakatingala ako sa kanya kasi ang laking halimaw ng isang to.

Habang siya naman ay may malademonyong mga mata na tumatagos ang tingin papunta sa buto ko.

Medyo nakakatakot pero kailangan kong mapanatili yung tapang ko.

"Ang lakas din naman pala ng loob mo para sabihing trip kita, Anong akala mo sa sarili mo? Wag ako pagtripan mong damuho ka!" Tinulak ko siya para makaalis  sa naka lock niyang braso sa gilid ng mga balikat ko.

Pero bago pa ako makaalis, hinila niya ang aking kamay paharap..

"Ikaw lang yung baklang gusto ko Mon, Mas nagugustuhan kita pag nagpapakipot ka. Ano bang kailangan kong gawin?" Tila'y may pagbabantang tono ang pagkakabigkas niya nung mga salitang yun.

Pagpumiglas kong kinuha ulit ang aking braso mula sa pagkakahawak.. galit na titig ang binigay ko sa kanya at pinulot nang muli ang modules saka tinalikuran ang gagong yun.

---

Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon