Unang parte

627 13 1
                                    

Isang taon ang nakaraan..

Sa ilalim ng malakas na ulan, sa paborito naming parte ng bundok namumutawi ang bumubugsong kirot at manhid ng aking damdamin..

Nakasilong sa isang maliit na kubo at naghihintay tumila ang malakas na pagpatak ng mga butil ng tubig mula sa kalangitan, ako'y umiiyak.

Kaharap ko siya at kumikislap ang mga mata niyang mapang-usap sa kinang, ngunit ang kabuu-an ng kanyang mukha ay nananatiling walang laman.. kagaya ng kanyang nararamdaman, sa-id na.

"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." ani ko

"..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" Unti-unting lumalabo ang aking mata dahilan ng pamumu-o ng mainit na luha.

Ang tanging naririnig ko ddlamang ay ang pag agos ng tubig mula sa maliit na kubo pababa sa lupa na gumagawa ng malakas na tunog, kabaliktaran ng kanyang boses..

hanggang sa makalipas ang kay tagal, may bigkas na lumabas sa kanyang bibig.

"Hindi ko alam kung pano at kailan nangyari pero Mon, hindi na kita mahal.." aniya na tila walang naiibigay na sakit sa akin..

Matagal bago ako nakapagsalita,

Nanatili akong nakatitig sa kanyang mapungay na mukha.

Nawawalan na ako ng lakas, unti-unti naring nguminginig ang aking mga tuhod na tila'y bumabadya ng pagsuko.

"Niel, nasasaktan na ako.. hindi ba pwedeng bawiin mo nalang ang mga binigkas mo? Hindi kinakaya ng aking puso ang sakit.." anikong tila'y nag kakarera ang mga pagpatak ng aking luha mula sa mata.

Hinawakan ko ang kanyang dal'wang kamay..

"...hindi ba ako sapat?" Ngayon ay kumawala siya.

"Hindi ka sapat. Hindi ka naging sapat..." May bumasag sa dibdib ko..

"...patawad Mon, pero tapos nayung panahon na mahal pa kita." Sabay ng kanyang pagsabi ay siya ring pagsuko ng aking lakas..

Buo akong nakaupo na sa papag ng kubong maliit nung  siya ay nagtapat ng kanyang pag-ibig sa akin na kung saan ay dun din nagtapos ang lahat..

Tumila na ang malakas na ulan at wala na ang maingay na tunog ng pag-agos

Ang huling banayad na pagsulyap ko sa kanya ay nung patalikod siyang naglalakad palayo sa akin.

--

Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon