Montel
"Is everything okay? Mon? Are you feeling fine?" May narinig akong boses habang kakabukas ko palang ng mga mata ko.
Hindi naganda yung pakiramdam ko. Nakahiga ako ngayon sa isang silid na may puting mga kisame.
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Mae. Nakahawak sa kamay ko at may bumabakas na nag-aalalang mukha.
"Nawalan ka ng malay kanina. Inatake ka nanaman ng sakit mo.." Aniya na pilit pinipisil ang kamay ko.
Ano ba ang nangyare?
"Wag kang mag-alala. Okay na ang lahat. Nakausap na si Carl at na suspend na din siya ng two weeks dahil sa ginawa niyang pambabastos sa'yo kanina."
Dun ko lang naalala na may kaganapan pala kaninang hapon sa gym.
Napapikit nalang ako nang biglaan at unti-unting inalala ang kapalpakan na ginawa ko kanina.
Ayos na sana eh. Ayos na sana at wala na sanang palpak, kaso ang katulad kong bobo at hindi nag-iisip ay gumawa ng ikaaabala ng lahat.
Ako pa 'tong nagpapaka perfectionist at pilit iniintindi ang lahat pero kahit sa sarili ko, di ko man lang magawa.
"Sabihan mo lang ako ng kung anong gusto mo, hindi kita iiwan." Ani Mae.
Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hindi, Mae. Okay lang. Tatayo na ako. Babalik na ako sa gym." Aniko
Medyo okay nadin naman yung pakiramdam ko kaya kakayanin ko na.
"Sigurado ka ba? Ayos lang naman ang lahat eh. Kami na ni Anna ang bahala sa lahat. Pupuntahan ko pa si Ellie---" Naputol siya.
"Si Ellie?! Asan siya? Okay lang ba siya? Wait, sasabay ako sayo.." pagmamadali ko.
Ngayon ko lang naalala na napuruhan din pala yung gagong 'yun kaya kukmustahin ko siya.
Tuluyan na akong bumangon at umalis sa kama.
Pinuntahan namin yung katabing room ng room namin, dun kasi si Ellie palagi.
Nakita ko dun si Anna na kasalukuyang ginagamot ang nakaupong si Ellie.
"Mon!" Nakangiti pang sigaw na pagbati ni Ellie.
Nagtaka ako kung bakit masaya pa siya sa kaniyang kalagayan.
"Mon, kamusta ka? May masakit ba sayo?" Tanong naman ni Anna.
Hindi ko na napansin agad ang tanong ni Anna dahil medyo nag-aalala ako sa kalagayan ni Ellie.
Yung mata niya nangingitim at yung bibig niya may hiwa at may bakas ng dugo.
"Ano ba kasing katangahan ang nasa isip mo?!" Sigaw ko sa kaniya.
"Anong katangahan? Tama lang naman yung ginawa ko, ah. Ang hindi tama, yung ikaw ang nasapak..." Aniya
napatigil ako sa gulat.
"..mumultuhin pa'ko ng konsensya ko kung hinayaan ko yung mangyari. Buti na't ako ang masaktan no. haha." dugtong niya at bahagyang inilagay ang dalawang siko niya sa upuan.
yung upong parang walang iniindang sakit sa katawan, ngumingisi, at kumindat pa.
Hindi ako nakapagsalita saglit.
Unang pagkakataon sa mahabang panaho na nakaramdam ako na espesyal ako sa isang tao. Yung tipong mas hahayaan niyang siya ang makaramdam ng sakit kesa sa akin.
I was too bombarded by pain for so long that I'd rather feel it directly. I've been in so much of it that I was at the point of not needing anyone to be behind me.
BINABASA MO ANG
Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)
Teen Fiction"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." "..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" I was bombarded by the pain, for I was so numb and forgetful how love made me feel s...