"Wala, nasa bahay lang ako ngayon nakahiga. Ayokong lumabas at sumama sayong walang ibang ginawa kundi ang pumarty at magpakawasted.." nasa kabilang linya ang kaibigan kong si Mae.Nagpapasama ngayong gabi na pumarty sa isang sikat na club sa downtown.
"Ano?! Magmumukmok ka nalang jan sa kwarto mo at umiyak? Jusko naman Mon, hindi kaba napapagod? Ang mabuti pa, samahan mo nalang ako. Let's go explore and see other people!" Talak niya sa akin mula sa kabilang linya..
Hindi basta iyak ang nagagawa ko. Hindi lang din naman kung sino sino ang iniiyakan ko eh.
Yung taong minahal ko lang naman talaga ng lubos at pinaramdam sa akin na mahalaga din ako para sa kanya..
..pero iniwan ako.
Aminin ko man o hindi, hindi parin talaga ako nakalimot ng tuluyan.
Siya lang kasi yung dahilan kung bakit ang lamig lamig ko na sa mga lalake, hindi lang sa kanila kundi sa lahat ng tao narin.
Masakit at mahirap narin kasing magtiwala..
"Ayoko. Matutulog nalang ako." Kaswal kong sagot sa tanong niya.
"Ang arte naman ng baklang to. Kukunin kita jan sa inyo ngayon din." Aniya
"Ayoko nga Mae! Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Wala nga akong panahon sa mga ganya---"
"Montel, kahit ngayon lang naman oh? Nag aalala na kasi ako sayo. Masyado ka ng kinakain ng lungkot. Ang gusto ko lang naman sayo ay sumaya ka kahit minsan.."
"..bigyan mo naman ang sarili mo ng konting panahon para sumaya at mag enjoy! Bahala ka, pupunta na ako jan." Wala ng ibang ginawa tong babaeng to kundi ang talakan ako.
10:38 pm na nung may nagdoorbell sa labas.
Bumaba na ako ng kwarto at pinagbuksan ang pinto..
Iniluwa ng pinto ang babaeng napakaganda ngunit lukaret kong kaibigan.
"Oh ano?! Magbihis ka na." Napairap nalang ako.
"Mae, pagod ako at kailangan ko nang matulog."
"WALANG MATUTULOG NG GANITONG KAAGA MONTEL! Kaya umalis ka jan sa harap ko at hahanapan kita ng maisusuot."
BINABASA MO ANG
Fixing My Shattered Heart (BoyxBoy)
Teen Fiction"Sinabi mo kasing mahal mo ako kaya pinili natin ang isa't isa..." "..pero bakit parang mahal mo lang ako kapag tayong dal'wa lang at walang ibang taong kaharap?" I was bombarded by the pain, for I was so numb and forgetful how love made me feel s...