CHAPTER 29: GASGAS NA

223K 4.1K 389
                                    

CHAPTER 29: GASGAS NA

********

DYLAN CADEN REYES

"Am I really gonna do this?" Bulong ko sa aking sarili habang nasa harap ng mataas na gate ng bahay nila Luna. I smirked. "Of course, asshole."

Dahan-dahan akong umakyat sa pader ng gate. Sinigurado kong walang makakakita sa akin. Limang security guard ang nagbabantay sa bahay kaya dapat ay mas maingat ako. Nagtago ako sa may dingding nang luminga ang isang security guard. Nakita ko kung paano kumislap ang kanyang flashlight. Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay umalis na ito.

Tiningala ko ang bintana ng kwarto ni Luna. Ayokong magsayang ng oras kaya inakyat ko ang puno ng mangga sa tapat ng kanyang kwarto. Sa taas niyon ay umabot iyon sa balkonahe ng kwarto ni Luna. Sinikap kong huwag makagawa ng ingay hanggang sa makatapak ako sa sementadong balkonahe.

Lumapit ako sa double doors. Sumilip ako roon at nakita kong bukas pa ang lampshade at nagbabasa si Luna ng libro habang nakasandal sa headboard ng kanyang kama.

Kinatok ko ang double door. Nakuha ko ang kanyang atensyon. Mabilis ang tibok ng aking puso nang lumapit ito sa akin at kunot-noong binuksan ang double doors.

"What are—" Tinakpan ko ang kanyang bibig at dahan-dahan itong itinulak pabalik sa kanyang kwarto.

Nang makapasok na kami ay hinigit niya papaalis ang aking kamay. Tumalikod ako sa kanya at isinara ang double doors.

"Kailan ka pa naging akyat-bahay? And what are you doing here?" Namumula ang kanyang pisngi sa inis.

My expression became soft. "I want to see you."

I tried to reach her pero lumayo ito. Ibinagsak ko ang aking kamay sa aking gilid. "Binalaan ka na ni Papa na ipapabaril ka niya kapag nahuli ka niya na lumalapit sa akin. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na."

"Walang kwenta rin naman ang buhay ko kung hindi kita kasama. Kaya, mas maganda kung mamamatay ako ngayon na ikaw ang huli kong makikita." Malungkot kong sabi. Nag-iwas ito ng tingin. Hinuli ko ang kanyang mata ngunit pumikit ito. Pinagdikit ko ang aming noo. "Baby, look at me. Open your eyes."

Dumilat ito ngunit walang bahid ng kahit anong ekspresyon. "Dylan, leave us alone. This is what you want, righ—"

"What I want is to be with you."

Nag-alab ang kanyang mga mata. Humakbang ito ng dalawang beses patalikod.  "You pushed me away, remember? Halos isaksak mo sa akin ang annulment papers para lang pirmahan ko. Tapos—"

"I'm sorry. I just felt so insecure. Malaki ang naging papel ni Sky sa buhay mo, at alam ko kung gaano kalaki ang utang na loob mo sa kanya. Paano kung sabihin niyang manatili ka nalang doon kasama siya at pumayag ka? Damn it, Luna. You're so kind to everyone, and I'm damn crazy about it."

"You just don't trust me. Makitid ka at ayaw mong intindihin ang sinasabi ko sayo. Isang pagkakamali ko lang, isasara mo na ang tenga mo dahil ayaw mo akong pakinggan. Your love for me is so shallow, Dylan. I hate you for breaking my heart." Agad ko siyang nilapitan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Sinakop ng aking mga kamay ang kanyang pisngi.

"Don't cry. Oh, baby, please. I'm sorry I hurt you continuously. God, Luna, I've made a mistake. Pero pwede ko pa rin iyong maitama kung bibigyan mo pa ako ng chance."

Nasaktan ako nang umiling ito. "Bigyan mo pa ako ng panahon para hilumin ang mga naging sugat ko dahil sa'yo."

Suminghap ako. "I promise not—"

"Diyan ka magaling. Sa mga pangako mo na palaging walang laman." Madiin niyang sabi.

"Paano mo ba ako mapapatawad, Luna? Gagawin ko ang lahat."

"Huwag ka munang magpakita sa akin, Dylan. Kahit sandali lang. Pabayaan mo muna akong mag-isa."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa kanyang magandang mukha. Galit lang siya sa akin kaya nasasabi niya ito, 'diba? Pero, kapag galit ang isang tao, nagsasabi siya ng katotohanan. Iyon ba talaga ang gusto niyang mangyari? Hinawakan ko ang kanyang balikat at hinalikan siya sa noo. Pumikit ako at ibinaba ang aking labi sa kanyang pisngi. Pagkatapos niyon ay inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.

"Kahit na sabihin mo sa akin na ayaw mo na akong makita, susundan at susundan pa rin kita. Because you're someone I can't afford to lose."

Napasinghap ito. "Dylan—"

Lumuhod ako para magpantay ang mukha ko at ang kanyang bahagyang nakaumbok na tiyan. Ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo ng inilihis ko ang damit ni Luna at ipinaloob ang kamay ko para mahawakan ang kanyang tiyan. Napakapit sa aking balikat ang aking asawa.

Hinalikan ko ang munting umbok sa tiyan niya at narinig ko ang pagsinghap ng aking asawa. "Patawarin mo ako, anak, sa pagtakwil ko sa'yo."

Tiningala ko ang aking asawa, nahuli ko siyang nagpupunas ng luha sa kanyang mata. "Leave now, Dylan."

Her words were like knives, slicing my heart, but I deserve those painful words. She has the right to get mad. Napakagago ko naman kasi. Ako ang nagkulang sa aming dalawa.

Tumayo ako at pinagtapat ko ang aming mukha. "Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo ako, Luna."

"Gasgas na ang linya na iyan, Dylan." Her voice is trembling.

"I don't care. I want you back, damn it." I murmured. Lumapit ang aking labi sa labi niya ngunit umiwas ito. Nagbuntong-hininga ako at inilapat ang aking labi sa malambot nitong pisngi.

"Go to sleep. It's already past midnight. Good night, baby Luna. I love you." I whispered.

Mabibigat ang aking mga hakbang habang papalabas sa kanyang double doors at inabot ang matabang sanga ng punong mangga. Lumingon ako at nakitang nakasilip ito sa may salamin ng double doors. May pag-aalala sa kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya at nagsimula ng bumaba.

"Dylan." Napahinto ako sa pagbaba nang marinig ang matamis na boses ng aking asawa.

"Bakit lumabas ka? Mahahamugan ka. Pumasok ka na sa loob." Mahina kong sabi.

"Hold on tight. The branches are slippery." Mahina nitong saad.

"I will." Nakangiti kong saad at nagsimula ng bumaba.

I want to stay with them all night. I want to snuggle her, feel her warmth. Damn, stupid me. Ako ang nagtulak sa kanya palayo. Ano'ng klaseng demonyo ang sumapi sa akin at naisip kong makipaghiwalay sa kanya?

Nang makita ko siyang umiyak habang pinipilit kong pirmahan niya ang annulment papers, halos madurog ang puso. I want to hug her. I want to punch myself for hurting her. Sa sobrang inis ko sa aking sarili ay itinapon ko ang mga papeles. Pumasok ako sa kwarto para hindi niya makita kung paano ako mag-outburst dahil baka kapag nakita niya, matakot siya sa akin. Umakto akong nagtutulogtulugan upang hindi na nito pahabain ang usapan. Nananatili lang akong nakahiga hanggang sa maisara nito ang pinto.

As we talk earlier, I was drown in to her eyes. I can't look away.

Her eyes, they used to shine so bright.

*********

UNEDITED. Salamat po sa pagsuporta niyo sa aking kapatid. :)

Yung isa po, bukas kasi in-edit ko pa. :D

UPLOADED: 2-8-15

SK<3

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon